ADS 

Pinoy sa Australia, naloka kina Allan at Teri!

Jun Nardo

SA mga nagtatanong kung bakit ilang araw ring nawala si Allan K sa Eat Bulaga last week, heto po ang sagot.

Last week kasi ay nagpunta sina Allan at Vice Mayor Teri Onor sa Australia.

Naimbitahan sina Allan at Teri para mag-perform sa 19th Grand Philippine Fiesta, na sponsored ng Australia-Philippine Cultural Association, na pinamumunuan ni Manny Castillo.

Bukod kina Allan at Teri, invited din sina Toni Gonzaga at Sam Milby. Pero, hindi nga lang sila nagkasama sa apat na show na ginawa nila.

Ang mga artists na madalas kasama nina Allan at Teri ay ang Pinas-based na sina Amber at John na kapatid pala ng dating member ng That’s Entertainment na si Misty Blue (remember her, Dondon?).

Born and raised sa Arizona ang magkapatid pero dito sa Pilipinas sila naninirahan.

Nagkita lang sina Allan, Teri at Toni sa airport kung saan inihatid si Toni ng boyfriend niyang si direk Paul Soriano. Ipinakilala ni Toni si Paul kay Allan at tinukso ng komedyante ang dating kasamahan sa Eat Bulaga!

"Twenty na naman ako, Kuya Allan, kaya puwede nang mag-boyfriend!" rason ni Toni kay Allan na panay ang tawa sa singer-actress.

Anyway, na-delay ng more than two hours ang PAL flight namin. Mabuti na lang at na-upgrade ang ticket namin sa business class kaya komportable ang naging biyahe namin kahit na nga almost two hours kaming nakaranas ng turbulence ilang minuto after naming lumipad, huh!

Eh, ang biyahe, lalapag sa Melbourne ang plane, lilinisin, refuel at saka lilipad patugong Sydney naman. Mahigit 7-hours ang flight ng Manila-Melbourne at ang Melbourne-Sydney naman ay mahigit isang oras.

So, after more than eight hours na biyahe, nakarating kami sa Waldorf Hotel sa Paramatta, Sydney. Eh, two hours ang advance ng oras doon sa atin, kaya naman antuk na antok at ngarag kaming tatlo. Eh, 5:00 PM daw ang sampa sa stage ng dalawa, kaya konting pahinga lang, ligo, bihis, make-up, sinundo na agad kami ng 4:30 PM. Mabuti na lang at malapit ang venue sa hotel, kaya walang pressures sa dalawa.

Sa Rosehill Gardens racetrack ginawa ang unang event na sinampahan nina Allan at Teri. Siyempre pa, puno ang place ng mga Pinoy at may mga booths showcasing Pinoy products at iba pang businesses ng kababayan natin doon.

Bago tawagin sa stage, nagkaroon muna ng dance and band competition habang super-chika naman ang mga ilang Pinoys kina Allan at Teri. Wala mang GMA Pinoy TV sa Australia, markado pa rin sa mga tao ang Eat Bulaga kung saan napapanood sa video at internet ang show na sinamahan ng dalawa. After ilang hours ng chikahan at waiting, unang isinalang si Teri. Siyempre pa, nabaliw sila sa performance nito lalo na nu’ng paglaruan niya ang isang Australian at bagets na Pinoy, huh!

Klik din sa tao ang paggaya niya kay Ate Guy, kaya naman kahit hindi siya gaanong kilala roon, nag-iwan naman siya ng nakababaliw na show na hinalakhakan ng mga tao.

Ang nakatutuwa, proud sa kanya ang ilang kababayan niyang taga-Abucay na naninirahan na sa Australia, komo nga hindi nila akalaing magiging vice-mayor siya. In fact, dahil sa pagiging vice-mayor, may mga businessmen na gustong magtayo ng negosyo sa Bataan.

Of course, matapos ang nakakalokang performance ni Teri, lalong umigting ang tawanan at palakpakan nang sumampa na si Allan. Enjoy na enjoy ang mga tao sa jokes niya na konting salita lang, hagalpakan na mga ito! Eh, nang gawin nila ni Teri ang spoof ng Miss Universe beauty contest, hayun at nagkandalaglag na sa upuan ang mga tao sa katatawa at kahihiyaw! 

Bilang pang-ending na song, nagbigay ng mensahe tungkol sa pagkakaisa ng lahat ng Pinoy si Allan. Matapos kantahin ang medley ng Bayan Ko at Pilipinas Kong Mahal, aba, ayaw pang umalis ng mga tao. Nagbigay pa ng encore sina Allan at Teri pero still, hindi pa rin umalis sa upuan nila ang crowd. "Naku, magkita-kita na lang tayo bukas! Baka ako pa ang pagbayarin ng overtime dito sa venue," biro ni Allan sa mga tao. (ITUTULOY)

<BACK