ADS 

"Huwag i-corrupt si Jennica!"--Jean

Jojo Gabinete

UMAPELA si Jean Garcia sa presscon ng Hide & Seek na itigil na ang isyu tungkol sa pagtuturo niya sa anak na si Jennica sa paggamit ng condom para hindi ito mabuntis dahil walang katotohanan ang balita.

Pinakiusapan ni Jean ang entertainment press na huwag gumawa ng kuwento na hindi totoo dahil nasasaktan ang kanyang anak.

"She’s 17. She’s hurting. Huwag naman...Huwag siyang i-corrupt."

Halata ang sama ng loob na nararamdaman ni Jean pero natigilan ito nang magsalita si Alfie Lorenzo at sabihin nito na mas mabuti nga kung tinuruan niya ng paggamit ng condom si Jennica para hindi ito mabuntis nang maaga, tulad ng nangyari sa kanya.

"Tito Alfie, mamaya mag-usap tayo," ang tanging nasabi ni Jean na hindi malaman ang isasagot sa straightforward opinion ng veteran entertainment columnist.

Para sa kaalaman ng "young" Abante readers, 17 years old si Jean nang mabuntis ito ng kanyang co-That’s Entertainment star na si Jigo Garcia.

"Impaktita" ang pamagat ng launching movie na ibinigay ng Regal Films kay Jean.

Nakumpirma ang balita na buntis si Jean, ilang linggo bago ang playdate sa mga sinehan ng Impaktita. Ang yumaong direktor na si Artemio Marquez ang direktor ng Impaktita at siya ang unang nakapansin na buntis ang lead actress ng pelikula.

Si Jennica ang sanggol na ipinagbuntis noon ni Jean. Ayon kay Jean, coincidence na 17 years old siya nang magkaroon ng launching movie at 17 years old din si Jennica nang papirmahin ito ng kontrata ng Regal Entertainment Inc. at bigyan ng launching film, ang Hide & Seek.

***

Mamayang gabi ang magkasabay na major concert nina Billy Crawford at Christian Bautista. Mapapanood ang "It’s Time" ni Billy sa Araneta Coliseum at sa Cuneta Astrodome ang venue ng "Christian Inspired" ni Christian.

Matindi ang paghahanda ni Billy sa kanyang concert na dadalhin din niya sa iba’t-ibang panig ng mundo. Hindi puwedeng abalahin si Billy sa kanyang rehearsal para hindi mawala ang focus niya.

Ang "Watch Out" naman ang highlight ng concert ni Christian. Ang Watch Out ang wide screen (a multi-display presentation technology with 9X42 feet dimension) na ginamit ni Celine Dion sa long-running show nito sa Colosseum, Las Vegas.

Ipinagmamalaki ng Christian Inspired producer na si Christian ang kauna-unahang Filipino singer na gagamit ng Watch Out sa kanyang concert.

"The use of this technology will surely contribute a lot to the exciting look of the show. With this system, we are only limited by our creativity, and imagination," ani Christian.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

<BACK