|
Ipinaliwanag
kamakalawa ni kagawad Salve Cabaltera Chairman Committee on
appropriations na hindi nila iniipit ang check voucher na pambayad
sa kontraktor na inirereklamo ng mga trabahador na tapos na ngunit
ayaw pang pirmahan.
Ayon kay kagawad
Salve Cabaltera sinusunod lamang nila ang bagong proseso at
guidelines na ipinaiiral ng COA. Tinitiyak din nilang maayos na
dumaan sa tamang proseso at sinang-ayunan ito ng lahat ng kagawad.
Ang mga nasabing
proyekto ay ipinaliwanag naman ni Lorna Devera na hindi niya ito
maaring ipitin sa dahilang kontraktor ang dapat magbayad sa mga
trabahador at hindi sila, dahil sila ang may kontrata at siya ay
tresorera lamang sa nasabing Barangay.
Sinabi naman ni
Barangay Captain Tomas Policarpio ng Barangay Bigte Norzagaray
Bulacan, ang nasabing proyekto ay aprubado at sinang-ayunan ng 8
kagawad at isang SK, sa katunayan sa loob ng tatlong magkakaibang
petsa na isinagawang session at resolution na may petsang September
3, September 17, September 24, 2007 ay napag-kasunduan na bayaran
ang mga nasabing proyekto sa dahilang ito ay "UNDER STATE OF
CALAMITY."
At may detailed coast
mula estimates ng Office of the Municipal engineer na ang proyekto
ay: Repair of Bridge approach at sitio looban item No. Spl-1
Description: Repair of Bridge na may lagda nina Ronald Allan C.
Palad Project Inspector, Zeus P. Borja Municipal Engr. at ng
Municipal Mayor Feleciano P. Legaspi.
Kaya dapat lamang na
bayaran na ang kontraktor para mabayaraan na rin ang mga mangagawa
at wala namang iregularidad na transakyon sa nasabing project at
pakiusap na alisin na ang pamumulitika sa nasabing Barangay, ani pa
ni Policarpio.
Para naman kay Mr.
Cafgu 59th IB Sampaloc Rizal, ito ang paliwanag ni Major Rolly
Dumawa Deputy PIO ng Phil. Army: Hindi po suweldo ang inyong
tinatangap bagkus ito po ay allowances lamang sa dahilang kayo po ay
hindi regular na miyembro ng Phil. Army (Paramilitary) lamang at ang
kanilang duty ay every other day, depende ayon sa pangangailangan ng
bawat divison.
Kaya ito ay nagkaroon
ng pagkaka-delay at asahang nationwide ang epekto sa kanilang sahod
dahilan sa computerization at isinasailalim sa Modernization, na
dati ay hardcopy to Electronic copy para maisaayos ang talaan ng
lahat ng mga Cafgu sa buong Pilipinas maging ang kanilang
tinatanggap na allowances, maaring sa susunod na mga araw ay kanila
nang matatangap na walang problema.
Sa mga nag-text po at nag-e-email po
sa inyong lingkod, kung ayaw ninyong ilabas ang inyong buong
pagkatao kayo na po ang magbigay ng alyas subalit paki-bigay po ang
inyong kumpletong pangalan at address para na rin po sa kapakanan ng
bawat panig ng nagrereklamo at nagsusumbong gayundin sa inyong
lingkod.
|
MISYON AKSYON
-Problema sa SSS, GSIS, Pag-ibig Homeowners, atbp. Cellphone
No. 0919-3626223(smart) : 0905-2209715(globe). Email add:
arnel_petil@yahoo.com |
|