|
Binabati natin ang
mga Abante readers, Philippines-wide at Earth-wide, lalo na
ang mga Ilocano sa buong mundo.
Part 2 ito ng "Talbos
at dahon, pagkain na, gamot pa!" Noong nakaraan ay naglista
kami ng iba’t ibang halamang gulay na ang talbos at dahon ay
pagkain na at gamot pa. Malunggay, talbos ng kamote, kangkong,
ampalaya, alugbati, sayote, sitaw, gabe, kulitis, sampalok, sili,
sibuyas, bawang, kalabasa, pechay, mustasa, lechugas, pandan, alagaw,
sayote, kasoy, tanglad (lemon grass), talinom, oregano, basil, atbp.
May nakapansin na
nakaligtaan namin ang pinaka-paborito: SALUYOT. Humihingi kami ng
paumanhin sa ating mga readers, lalo na sa mga Ilocano all over the
world. Paborito rin po namin ang saluyot.
Ayon sa AC Sas,
PCARRD at AVRDC, narito ang kahalagahan ng saluyot:
Table 1. Nutritional
values of saluyot (Boiled/100 grams edible portion)
Ugaliin ang pagkain
ng saluyot at okra. Lutong diningdeng ang masarap, may bagoong,
konting isda o piraso ng karne. Bukod sa madulas, ito ay malasa at
masarap. Mahalaga ito para sa kalusugan. Tanungin ang katabi ninyong
Ilocano.
Tungkol sa pagtatanim:
Karamihan sa mga Pilipino ay nagha-harvest sa palengke, pick and
pay. Mas gusto natin ang mamili kaysa magtanim. Bukod sa buto at
lipat tanim, minsan ay sinubukan naming itanim ang tangkay ng
saluyot (walang ugat). Tumubo pa rin at nagdahon. Subukan ding
magtanim sa paso, lata at plastic. Marami ang may mga lupa ngunit
ang tanim ay damo at halamang ligaw.
Tungkol sa panawagan sa pagtatanim
para sa pagkain at gamot: Bilang tugon sa kahirapan, gutom,
malnutrisyon, sakit, dapat na magsikap tayo na magtanim ng halamang
gulay na mapapakinabangan ang talbos at dahon para sa pagkain at
gamot. |