350 pamilya nilikas

(Gerard Dave de Castro)

Mahigit 350 pamilya ang planong irelocate simula ngayong Oktubre ng Philippine government at ng Pamahalaang Lunsod ng Muntinlupa bilang bahagi ng South Luzon Railway System Project (Southrail) na naglalayong isaayos ang mga kalye ng Philippine National Railways (PNR) mula sa lunsod ng Caloocan hanggang Calamba, Laguna.

Kaugnay nito, sama-samang binisita ni Vice President at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairman Noli de Castro, Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro at Muntinlupa Representative Ruffy Biazon ang ginagawang housing project kung saan planong ilipat ang mga apektadong residente ng Southrail project.

Sa talaan ng Population Cencus o POPCEN, 8,253 pamilya mula sa siyam na barangay sa Muntinlupa ang ililipat sa isinasagawang konstruksiyon ng housing facility ngunit uunahin muna ang nasabing 350 pamilya na apektado na ng proyekto pagkat wala na ang mga itong matutuluyan. 

<BACK