Konsehal inambus

(Nilo Marasigan)  

Todas ang 53-anyos konsehal ng bayan ng Bucay, Abra habang kritikal sa pagamutan ang kasama nito makaraang ambusin ng mga naka-bonnet na suspek kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Regional Office-Cordillera Director, P/Chief Supt. Eugene Martin, ang nilikidang si Juanito Zales y Alzate, may-asawa, SB member ng Bucay ay namatay noon din. Patuloy namang isinasalba sa Abra Provincial Hospital ang kasama nitong si Rex Bringas y Quintos na nahagip ng bala ng mga hinihinalang hired killers na mabilis ding nakatakas.

Ayon kay Martin, bandang alas-9:30 kahapon ng umaga nang abangan ng mga suspek ang biktima na noo’y lulan ng black Isuzu pick up sa may Bucay-Penarrubia Road, Sitio Dispensary, Bgy. Siblong, Bucay.

Hinihinala namang paghihiganti ang motibo sa pamamaslang kaugnay ng mga kasong murder kay Florianne Bernardes y Javier, acting clerk of court ng RTC Branch 58, Bucay; Eduardo Gonzales, Bgy. Chairman ng Bgy. Laytugan, Bucay; at Eddie Tadeo, Bgy chairman ng Bgy. Pagala, Bucay.

<BACK