May sayad, ni-rape ibinaon sa beach

(Bell Desolo)

TAAL, Batangas --- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang may diperensya sa pag-iisip na dalaga na sa kabila ng kapansanan nito ay hinalay habang nakabaon sa buhangin kamakailan.

Sa kabila ng kapansanan sa utak ay idinetalye ng biktimang itinago ni Chief Insp. Crod Maranan, police chief, sa pangalang Aloha, ang panghahalay dito ng arestadong si Teodoro Ilagan, 43, may-asawa, tricycle driver, no 1. sa listahan ng mga ‘most wanted’ sa bayang ito.

Sa pamamagitan ng muwestra ay sinabi ni Aloha na bandang alas-7:00 ng gabi noong Mayo, naglalakad umano ito sa isang lugar nang hintuan ng biktima at sinabing ihahatid siya sa kanilang bahay subalit sa isang resort siya dinala.

Diumano pa, gumawa ng hukay ang suspek kung saan magkasama silang pumasok at sinabing kunwari’y prinsepe at prinsesa silang nakulong sa malalim na hukay subalit doon ay paulit-ulit siyang hinalay at binantaang papatayin kung magsusumbong.

Gayunman, napansin ng ina ng biktima ang mga pasa sa katawan ng anak at nang tanungin ay napilitang magtapat kaya dumulog ang pamilya nito sa pulisya na ikinadakip ng suspek. 

<BACK