|
Pinasinungalingan
kahapon ng Malacaņang na isang uri ng gag order ang ipinalabas na
Administrative Order 197 kamakalawa na humihirit ng proteksyon sa
mga itinuturing na "military secrets" ng Armed Forces of
the Philippines (AFP).
Gayunpaman, maliban
sa pagsasabing hindi ito isang gag order ay tikom naman ang bibig ng
Malacaņang kung ano ang tunay na motibo nito at kung may kaugnayan
ba ito sa Senate probe hinggil sa Hello Garci at wiretapping
controversy at sa kaso ni Jonas Burgos, ang nawawalang militant
activist.
Ayon kay Press Sec.
Ignacio Bunye, sa panayam ng himpilang dzMM mula sa India kung saan
naroon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang AO197 ay nilikha
para lamang simpleng maproteksyunan ang mga sensitibong dokumento ng
militar at hindi ito nangangahulugan na direktang pagbabawal sa mga
taga-AFP na dumalo sa anumang congressional hearings.
Maliban dito ay bigo
ang kalihim na palawigin ang tinuran samantalang ayaw namang
magkomento hinggil dito ni National Security Adviser Norberto
Gonzales.
Ayon sa probisyon ng
AO197, inaatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang AFP na mag-draft
ng panukalang batas para sa proteksyon ng mga "military
secrets" partikular kung national security na ang nakataya. |