|
Kung minaliit at
inin-sulto ng American TV series na "Desperate Housewives"
ang mga medical schools sa Pilipinas at ang buong komunidad ng
Filipino professionals sa medical field, mas masahol pa ngayon ang
ginawang pambabastos ng isa pang television show sa Amerika kay
dating Pangulong Corazon Aquino.
Sa "The Daily
Show" na programa ni Jon Stewart, naging paksa nito ang tanong
na "Is America Ready for a Woman President?"
Bilang pagpapatawa
ay gumawa ang correspondent na si Samantha Bee, isa sa mga karakter
sa show, ng nakakatawang litrato ng mga babaeng world leaders tulad
nina Aquino ng Pilipinas, dating British Prime Minister Margaret
Thatcher at dating Indian Prime Minister Golda Meir.
Ang litrato ng
kauna-unahang Philippine women president ay pinatungan ng hugis
pusong disenyo na may nakasulat na katagang "slut" na sa
diksyunaryo ay may kahulugang ‘prostitute’ o mababang uring
babae.
Ang gag line nito kay
Meir ay "OYI" samantalang ang kay Thatcher ay "Ooops".
"Other countries
had girl leaders for years and while Golda Meir may have fended off
Egypt, Corazon Aquino faced down dictators, Margaret Thatcher kicked
communist’s ass, still they are women," anang linya ni Bee sa
naturang segment.
Nang hingan ng
reaksyon si Sen. Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, anak ng dating
pangulo, sinabi nitong, "My mom only wishes to convey that she
will include those who made this video in her prayers."
"It is sad that
while adding humor to such an important issue, the producers of the
show chose to use pictures that were disrespectful, insensitive and
in extremely poor taste," dagdag pa nito.
"Whoever put
that graphic has a sick mind. Why would [they] do that to a revered
democratic icon all over the world, known very much for her clean
living and religious life?" reaksyon naman ni Deedee Sytangco,
tagapagsalita ng dating pangulo.
Nabatid na ang
segment ay iniere noong Setyembre 18 sa Amerika at ipinoste sa
YouTube.
"I pity the
people who did this," sambit pa ni Sytangco, sabay sabi na
dapat putulin ang mga ganitong show sa Amerika na walang
pakundangang umaalipusta sa ibang lahi kahit pa nga mga dating
presidente o lider ng ibang bansa.
Sa panig ni Sen.
Miriam Defensor Santiago, sinabi nitong magpapadala siya ng liham
kay Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo upang pormal na hingin sa
producer ng show ang paghingi ng sorry sa dating pangulo ng
Pilipinas. |