Idinepensa si Pacman, sinaksak

(Jojo de Guzman)

CARRANGLAN, Nueva Ecija --- Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang fan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao makaraang saksakin ng nakatunggaling kainuman sa pagdedepensa sa idolo kamakalawa ng gabi sa Litsunan sa Kubo-kubo sa Bgy. Joson sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. Angelito Ramos sa tanggapan ni P/Chief Insp. Alexander Mariano, chief ng Nueva Ecija Police Intelligence and Investigation Branch, kinilala ang biktima na si Marson Ventura Segundo na kasalukuyang nasa isang ospital sa San Jose City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Benedicto Corpuz, alas-siyete ng gabi, kainuman ni Segundo si Jeffrey Simbullo Felipe, 31, at isa pa nang mapadako ang kuwentuhan sa magiging laban ni Pacman kay Marco Antonio Barrera, na tinaguriang laos ng biktima.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay napikon si Felipe at hinugot umano ang nakasukbit na patalim at sinakyod ang biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang salarin at kinasuhan na ng frustrated homicide. 

<BACK