Mag-ina naglason, patay

(Nilo Marasigan)

Kapwa nasawi ang isang 60-anyos na ginang at baldadong dalagang anak nito makaraang umano’y uminom ng nakalalasong kemikal kamakalawa sa Laoag City, Ilocos Norte.

Tinukoy ang hindi na naisalbang sina Juanita Aguinalo at anak na si Nora, 37-anyos, kapwa taga-Bgy. Cabungaan, sa nabanggit na siyudad.

Gayunpaman, patuloy pa ang ginagawang pag-iimbestiga sa kaso matapos na umano’y magpahayag ng pagdududa ang mga kamag-anakan ng mag-ina sa pangyayari.

Nagtataka diumano ang mga kaanak partikular sa kaso ng anak na dalaga ng ginang kung paano ito nakainom ng lason gayong hindi na umano ito nakakagalaw at matagal nang nakaratay sa kanyang wheelchair.

Malaki umano ang hinala ng mga ito na posibleng ang matandang Aguinaldo mismo ang nagpainom ng lason sa anak at saka ito lumaklak din ng ‘di pa natutukoy na nakamamatay na kemikal. 

<BACK