|
Niyanig ng lindol na
may lakas na magnitude 3.9 ang hilagang bahagi ng lalawigan ng
Ilocos Norte kahapon ng umaga.
Ayon sa US Geological
Survey, naramdaman ang pagyanig dakong alas-9:34 ng umaga kahapon
kung saan ang epicenter nito ay natukoy sa may 55 kilometro ng
hilagang silangan ng Laog City.
Naramdaman din ang
lindol sa lakas na intensity 3 sa bayan ng Pasquin at Laoag City.
Wala namang naiulat
na nasugatan o nasawi sa lindol at wala ring naiulat na napinsalang
mga ari-arian sa nabanggit na lugar.
Wala ring naitalang aftershocks sa
naganap na lindol. |