|
|
||
|
'IGAN |
||
| ni GILDA OLVIDADO | ||
|
MATAPOS laitin si Rafael sa harap ni Cindy ay para nang reynang lumabas ng simpleng apartment ng mahirap na congressman si Miss Golda Magtanggol. Naiilang na pinayungan siya ng alalay-man Friday na si Facundo; maging ang bading na Pinoy sa New York ay isinama ni Golda sa ‘Pinas. "Narinig mo ang birada ko kay Dangal, ha, Facundo? Namula siya sa hiya! Para siyang tinamaan ng super-bagyo sa akin!" sabi ni Miss Golda kasunod ng mataginting na tawa. "E...natameme nga ‘yung mag-asawa ng ilang saglit, Miss Golda. Imagine naman, out of nowhere ay dumating ka with your acid tongue!" Napatingin si Miss Golda kay Facundo, duda. "Acid tongue-is that supposed to be a compliment or an insult?" "Naku, siyempre ay papuri, Miss Golda! Ikaw ang tunay na golden ray of sunshine na hinihintay ng Philippine politics, promise!" tarantang hallelujah agad ng bading. Sinarili na lamang ang tunay na saloobin. Hayy, kundi lang sa ibibigay sa aking sampung milyong pisong bayad for a year of service, hindi ko masisikmura ang ugali ng bruhang babaing itoooo! Ang Goldang ito ay sumpa sa ‘Pinas! Magulo na nga ang bayan ay lalo pang magugulo sa pagpasok ni Golda! Oh, my gulay...trabaho lang ito, napipilitan lang akong sumakay kay Golda because of the kita! At isisisi ko ang aking kahinaan ng karakter sa aking pagiging hindi tunay na lalake! Nakatanaw sina Rafael at Cindy kay Miss Golda. Hindi pa rin sila makabawi sa mga upasala nito. "Ang ganda ng tindig mo, Miss Golda!" excited na bola ni Facundo. Liyad ang dibdib ng matronang galing pang New York; sa paglalakad patungo sa luxury van ay lalong nagtaas-noo. Hindi na tuloy halos nakikita ang dinadaanan. Nadapa tuloy. "Ayyy, kabayo ni Pedro!" Bahagya nang natawa sina Cindy at Rafael. "Hayun, nakarma." "Cindy...paano kang nagkaroon ng ganoong tiyahin?" "Itanong mo sa buwan, Rafael. I don’t know." "Ganoong tao ang kakandidatong senador?" dagdag-tanong ni Rafael. "Paano kung siya ay...manalo?" "Muling magkakaroon ng infamous member ang aming angkan, Rafael. Sa halip mapatawad ng mga tao ang memory ni Daddy ay lalo lamang mapipintasan ang mga Magtanggol." Nanlulumo si Cindy. "MISS Golda, nasaktan ka ba?" Nang nasa loob na ng van ay tarantang nagtanong si Facundo sa mayamang boss. "Gaga ka kasing magturo sa akin ng tamang paglalakad, Facundo! Nakita ba ako nina Rafael at Cindy, ha? Nakakahiya!" "Wala, hindi ka nila nakita, Miss Golda...I’m sure! Saka mabilis ka naman agad nakatayo, at nagtuloy na dito sa van!" Maya-maya’y nahalinhan ng pilyang ngiti sa labi si Miss Golda. "Facundo...palagay ko’y lihim na naakit sa akin si...Rafael." "Ows? Bakit mo naman nasabi ‘yan, Miss Golda?" "Kasi’y...sinulyapan ni Rafael ang aking mayamang dibdib!" sabi ni Miss Golda, sinundan ito ng mataginting na tawa. ITUTULOY |
||
|
|