|
DAVAO CITY ---
Namatay ang isang tatlong taong gulang na batang babae matapos itong
malason sa kinain nitong palaka na kanyang nahuli sa Barangay
Antequera, Nabunturan, Compostela Valley province.
Kinilala ng
Nabuntutan police ang biktima na si Merivell Toyak na hindi na
umabot pang buhay sa ospital matapos nitong kainin kasama ng dalawa
pang bata ang kanilang inihaw na American frog bandang alas-10:00 ng
umaga noong Octubre 2.
Sa ulat ng pulisya,
naglalaro sa bakuran ng kanilang bahay ang biktima kasama ang
dalawang kalaro nito nang makahuli sila ng palaka.
Agad na niluto ng
tatlo ang palaka sa pamamagitan ng pag-ihaw nito sa pag-aakalang
ligtas itong kainin.
Matapos makain ang
palaka agad na nagsusuka at sumakit ang tiyan ng biktima kaya agad
itong dinala sa ospital subalit hindi na ito nagawang iligtas pa ng
mga doktor dahil sa tindi ng lason na tinamo nito mula sa palaka.
Ligtas naman ang
dalawang kalaro ng biktima dahil ang nakain nila sa palaka ay ang
paa lamang nito hindi katulad ng biktima na kinain ang katawan at
bituka ng palaka. |