P10M PUSLIT NA SIBUYAS NASABAT

Nina Juliet de Loza at Irish Ann Cruz

Galit na sinuntok ng estudyanteng si Mark Louie Miran sa harap ni P/Insp. Roberto Baldivas ang suspek na si Herminigildo Tresquio ng tutukan at paputukan ng kalibre 38 matapos mabulilyaso ang isasagawang panghohodap at mahuli ng mga tauhan ng MPD-Traffic Reinforcement Unit sa Pedro Gil, Manila City. (Jhay Jalbuna)

Umaabot sa P10 milyong smuggled na sibuyas ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan sa Port of Manila.

Ayon kay BOC Commissioner Napoleon Morales, ang nasabing mga sibuyas na galing ng China at magkakahiwalay na dumating nitong Agosto at Setyembre, ay una nang idineklara sa bureau na pawang mga bawang.

"We have learned from the Department of Agriculture (DA) that they have not issued any import permit for onions since February this year as the country has sufficient supply of it," ani Morales.

Ito umano ay naka-consignee sa JCS International Freight Services, Philippine Container Lines, AGR Trading at sa Golden Shine Enterprises.

Nabatid na nagsagawa ng inspeksyon si Morales at ang pangulo ng Union Growers and Onion Traders (UGAT0 na si Magtanggol Alvarez sa mga nasabat na container vans.

Nalaman na inalerto na rin ni Morales ang lahat ng mga ahente ng BoC makaraang makatanggap ng impormasyon na may mga sibuyas ang itatangkang ipuslit mula sa bansang China.

Inirekomenda naman kaagad ang pag-iisyu ng warrant of seizure at detention sa mga nasabat na kontrabando.

<BACK