Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo makaraang magpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan kaugnay sa kasong pandarambong na kinakaharap nito.
Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan First Division ang mosyong inihain ng kampo ni Ginang Arroyo na naglalayong harangin ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban dito dahil sa kawalan ng merito. |