HINDI
itinanggi ni LJ Reyes na tinalakan at tinarayan siya ni direk Joel
Lamangan sa taping nila ng Una Kang Naging Akin ng GMA 7. Pag-amin
ni LJ, mahigit isang oras siyang na-late sa taping nila, kaya matinding
talak at taray ang ibinigay sa kanya ni direk Joel.
Sa kuwento ni LJ, nagpasabi na siya sa staff ng Una…, na mali-late
siya, dahil may exam siya sa school nung mga oras na `yon. Pero,
dahil sa biglaang paper works na ibinigay sa kanya, hindi siya nakarating
sa tamang oras na sinabi niya.
Kaya pagdating niya sa set, mangiyak-ngiyak siyang humingi ng sorry
kay direk Joel, habang pinagagalitan siya nito. At sa bandang huli,
naintindihan naman daw ni direk Joel ang nangyari, kaya tinanggap
nito ang paghingi niya ng sorry.
Anyway, maliban sa pangyayaring `yon, wala raw maipipintas si direk
Joel kay LJ. Katunayan, masaya si direk Joel sa magagandang feedback
sa acting ni LJ.
“Sobrang saya ako dahil sa magagandang feedback na `yon. Pati
ang staff sa set, after ng isang scene, sinasabihan nila ako ng
‘good work, LJ’!
“’Yung iba naman, naiyak daw sila sa eksena ko. Sabi
nga nila, puwede na raw akong ma-nominate dahil sa acting ko.
“Nakakataba ng puso.”
Isang eksena nga na pinalakpakan nang husto kay LJ ay `yung nagtangka
siyang magpakamatay.
“Sobrang intense ang scene. Pigil na pigil ang pag-iyak ko,
na parang hindi ko kayang kontrolin. Nagdilim ang paningin ko that
time.
“After that scene, inatake ako. Nahilo ako. Nag-worry ang
mga tao sa set,” kuwento ni LJ.
Siyanga pala, iniintriga rin sina LJ at Maxene Magalona, na diumano
ay nagpapatalbugan daw ang dalawa sa pag-arte.
“Ay, hindi po! Okey kami sa set. Maganda lang talaga `yung
role na napunta sa akin,” say na lang ni LJ.
|