TINANGGIHAN
na ni Mother Lily ang alok ng Startalk ng GMA-7 upang maging bahagi
ng show simula sana ngayong araw na ito.
Umani kasi ng papuri at katuwaan ang pag-upo ni Mother sa Don’t
Lie To Me! segment ng Showbiz Central last Sunday, kung saan tawa
nang tawa ang tao sa pag-amin niya at na-touch naman ang marami
nang ihayag niyang mas pinaboran pa niya ang alagang artista kesa
sa mga anak niya.
No wonder, tinalo ng SC ang kalabang The Buzz sa ratings last Sunday,
huh!
“Ayoko nang mag-guest! Kung alam lang ninyo ang dahilan ng
guesting ko sa show, maloloka kayo! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni
Madera sa amin.
Si Mother sana ang balak ipalit ng network kay Lorna Tolentino na
umalis na sa show. Pero sorry na lang, hindi pumayag ang Regal produ
na palitan si Lorna.
Unless may bago siyang pelikulang ipalalabas at ilibre ang
trailers nito ng GMA, baka pumayag siya, huh!
Dahil sa magandang ratings pala ng Showbiz Central last Sunday,
hitik na naman sa kontrobersya at intriga ang mapapanood this Sunday
kahit hindi na guest si Mother Lily.
Uupo si Mark Anthony Fernandez sa Don’t Lie To Me, uupo si
Antoinette Taus sa harap ng Central Jury at isisiwalat ni Sunshine
Dizon ang katotohahan sa pagkakasakit niya!
***
Hindi na matutuloy ang pagdu-duet nina Chairman Bayani Fernando
at Allan K ngayong Sabado sa Celebrity Duets. Sa halip ay si
JC Buendia ang makakasama sa production number ng Pambansang Ilong
ng Pilipinas.
Two weeks ago pa inimbitahan ng show si Allan upang maka-duet ni
BF. Eh, two Saturdays ding itong may out of town show, kaya hindi
nag-swak ang schedules ng dalawa.
Kaso, nang naging libre si AK ngayong Sabado, binago naman ang kanta
ni Chairman BF at hindi bumagay na ka-duet si Allan. So, nagkaroon
ng changes sa ka-duet ng komedyante.
Knows na namin ang kakantahin nina JC at AK pero ayaw naming i-preempt
ito kaya watch na lang ninyo ang episode ngayong Saturday ng Celebrity
Duets.
Siyanga pala, simula naman bukas ay magiging semi-regular si Allan
sa SOP. Gusto sana siyang gawing regular sa Sunday show ng GMA pero
tumanggi siya dahil pag Sunday, day off niya sa work.
Kahit two Sundays lang ang day off niya, okey na ‘yon kay
Allan para pagbigyan ang request ng GMA na maging bahagi siya ng
SOP.
Bukod sa SOP, may All Star K si Allan with Jaya sa gabi. Masayang
ibinalita ng EP ng game show na isa ang ASK sa mga shows ng GMA
na nasa Top 30 shows ng bansa base sa nationwide ratings.
This Sunday, ang guests sa show na maglalaban sa isang milyong pisong
premyo ay sina Gloc 9 at Ms Ganda; Kris Lawrenec at Chris Cayzer;
Ram Chaves at Warren Antig; Eula Valdez at Bayang Barrios; Keane
at Jan Nieto; Tutti and Kat of Sino Sikat; at Mocha and Hershey.
Ang K-illers ay sina Kuya Germs at Shalala.
|