Ipinagpapatuloy ng Ballet Philippines ang kanilang selebrasyon ng
39 taong pagsasayaw sa kanilang ikalawang produksyon - ang New Beginnings.
Magbubukas sa Oktubre 17, 2008, Biyernes sa
Cultural Center of the
Philippines. Ang programang ito ay katatampukan
ng company premiere ni Alvin Ailey sa kanyang hinahangaang Night
Creature. Bago rin sa hanay ng Ballet Philippines ang company at
Philippine premieres ni Max Luna III sa kanyang Mga Awit at The
Hurt We Embrace at ni Alan Hineline sa kanyang Threshold II.
Ang New Beginning ay suportado ng Ayala Land Premiere, Olay, Philippne
Tatler, Sofitel Philippine Plaza, Liwayway Marketing Corp., BMW,
Globe Telecom, Cathay Pacific, Fiori di M, Freixenet at Rene Barbier
wines. Ang pagtatanghal ng Night Creature ay suportado ni Ms. Imelda
Cojuangco.
Ang New Beginnings ay itatanghal sa Oct. 17 (3pm at 8pm), Oct. 18
(3pm at 8pm) at Oct. 19 (10am at 3pm). Para sa impormasyon tungkol
sa ticket prices, subscription at iba pang pagtatanghal, tumawag
sa 551-0221 at 551-1003, mag-email sa info@balletphilippines.org
o magsadya sa www.balletphilippines.org.
|