HONG KONG --- Panalo sa isinampang kaso ang isang Filipino domestic helper (DH) patungkol sa kanyang karapatang maging ‘resident’ ng Hong Kong matapos magbaba ng desisyon ang High Court dito na nagsasabing ‘unconstitutional’ ang pinaiiral na immigration law na nagdi-discriminate ng mga dayuhang kasambahay.
Nagbigay ng liwanag sa 292,000 foreign maids ang legal action ni Evangeline Banao Vallejos, isang Pinay DH na nakatira sa HK simula pa noong 1986.
|