Ipinatawag ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang lahat ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isang dinner-dialogue sa palasyo ng Malacañang sa Lunes, Disyembre 3.
Ito ang kinumpirma ni Kabataan partylist Rep. Raymond ‘Mong’ Palatino kahapon sa Abante/Tonite subalit hindi pa umano malinaw ang agenda bagama’t isa sa mga posibleng pag-usapan umano ay ang kawalan ng quorum sa Kamara at maging ang Reproductive Health (RH) bill.
|