WEDNESDAY, NOVEMBER 30, 2011   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
ISTAYL
Kagat ng ipis
George Nava True
 

Good day, George! Mag-iisang buwan na ako dito sa Saudi. Malamig na mainit ang klima.

May skin problem ako. Sa aming tirahan maraming ipis. Sa una, nagkapantal ako at sobrang kati nito. Hanggang ngayon hindi pa naaalis ang pantal na maliliit. Sana matulu­ngan mo ako. Thanks! -- Nino Parungao.


* * *


Thanks for your e-mail, Nino! Salbahe talaga ang ipis dahil nangangagat ito. Lumalabas ang pesteng ito tuwing gabi at mahilig sila sa mainit-init at mahalumigmig na lugar. Pero huwag kang mag-alala kasi ‘yung kagat nila ay hindi nakapipinsala.

Their bite is generally harmless. Mas delikado pa nga if you are exposed sa bangkay o dumi nila kasi nagdudulot ito ng asthma at iba pang sakit tulad ng dysentery, typhoid fever, poliomyelitis and gastroenteritis.


Ang masama lang ay kung ikaw ay allergic sa ipis. Sa ibang tao, ang kagat ng ipis ay nagbibigay ng allergy. Kung namamaga o maraming pantal ang ibang bahagi ng katawan, malamang ay may allergic reaction ka at dapat pumunta agad sa doktor para mabigyan ka ng tamang gamot.


Sa karaniwang tao, ang kagat ng ipis ay nagdudulot ng pamamaga at pangangati pero nawawala ito pagkalipas ng ilang oras. For first aid against cockroach bites, hugasan agad ang baha­ging nakagat ng tubig at sabon. Huwag kamutin ito dahil secondary infection lamang ang makukuha mo. Lalo lang mamamaga at kakati ito.


Puwede ring lagyan ng yelo ang bahaging nakagat para mabawasan ang pamamaga at kati. O ‘di kaya’y maglagay ng cold compress.

Basain ang maliit na tuwalya o tela ng malamig na tubig o magbalot ng yelo dito para malagay sa kagat. You may also take an antihistamine o gumamit ng insect bite ointment. The former may help if you are allergic to a cockroach bite.


Para mabawasan ang ipis sa tahanan mo, ma­ging malinis sa pamumuhay. Linisin at taguin ang mga pinagkainan.

Huwag magdala ng pagkain sa silid-tulugan at huwag mag-iwan ng pagkain na hindi nakatakip sa mesa. Itapon ang mga bulok na pagkain at basura. Huwag mag-iwan ng madudu­ming pinagkainan sa lababo. Anumang pagkain ang maiwanan mo ay magsi­silbing magnet sa ipis.


* * *


May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-email kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.8400
Bahrain Dinar 116.985
Euro 58.0310
HK Dollar 5.62320
Japan Yen 0.563931
Saudi Riyal 11.6928
S’pore Dollar 33.4045
Taiwan Dollar 1.44116
UAE Dirham 11.9380
UK Pound 67.6802
COLUMNIST OF THE DAY
Walang lusot si GMA

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section