www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

OFW ban pa rin sa Lebanon
(Aries Cano)

 

Nananatiling nakataas ang deployment ban ng gobyerno ng Pilipinas sa mga Mid-Eastern countries partikular sa bansang Lebanon dahil sa kawalan ng labor laws na pumuprotekta sa mga dayuhang manggagawa.


Ang babala ay ginawa ni Philippine Ambassador to Lebanon Gilbert Asuque kasunod ng pagkakahuli ng ilang Pinoy na patungo sana ng Lebanon gamit ang tourist o visit visa para magtrabaho sa nasabing bansa.


Idinagdag pa ni Ambassador Asuque na sa kabila ng ban ay marami pa ring Pinoy ang pumupuslit papasok ng Lebanon dahilan upang lumobo na sa 30,000 ang kanilang bilang mula sa dating 26,000 noong 2006.


Dahil dito, nakiusap ang opisyal sa mga Pinoy na naghahangad magtrabaho sa Lebanon na kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagtatrabaho sa nasabing bansa hangga’t hindi pa nalalatagan ng karampatang solusyon ng pamahalaan ang problema sa pamamasukan dahil para na rin ito sa kanilang kapakanan.


Inamin din ng opisyal na walang banta sa seguridad sa Lebanon pero ang pinakamatinding problemang kakaharapin ng mga kababayan nating Pinoy ay ang kawalan ng batas na magbibigay proteksyon sa kanila bilang mga manggagawa na isa sa pinakamahirap resolbahin lalo na sa dayuhang bansa.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section