Pipilitin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maipatupad ang panukala nitong maghapong total truck ban ngayong buwan ng Disyembre bilang paraan pa rin upang maibsan ang inaasahang masikip na daloy ng trapiko ngayong holiday season.
Sa pakikipagpulong kahapon ng Metro Manila Council (MMC) sa grupo ng mga truckers, humingi pa ng isa pang miting ang mga truckers para sa kanilang counter proposal. |