GABAY NG DIYOS

P102M ng lotto mailap na jackpot
(Noel Abuel)


Nabigong makubra ng mga lotto aficionados ang tumataginting na mahigit P102 milyong jackpot prize sa lotto draw kamakalawa ng gabi ng 6/49 super lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


Bunsod nito ay inaa­sahang mas dadami pa ang mga mananayang pipi­la sa mga lotto outlets sa iba’t ibang panig ng bansa na mag-aagawan sa nasabing premyo.


Nabatid na ang kumbinasyong 25-34-46-08-29-47 na may katumbas na P102,522,762.00 ay hindi nakuha ng sinuman sa mil­yong mananaya.


Dahil dito, inaasahang sa susunod na lotto draw sa darating na Linggo ay da­dagsain ng maraming ma­na­naya ang mga lotto outlets na sigurado nang mas lalaki pa sa P102 mil­yon.


Kahapon sa pag-iikot ng Abante ay usap-usapan pa rin ng mga lotto aficionados ang nasabing mala­king premyo kung saan nangako ang mga itong paghahandaan ang darating na Linggo upang abangan ang mu­ling bola ng lotto.


Sinabi naman ni PCSO spokesman Larry Cedro, pawang minor pri­zes lamang ang mga napanalunan ng mga mananaya sa ginawang electro­nic draw kamakalawa.



 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section