Nagpatupad na rin kaninang hatinggabi ng
P5 kada litrong rollback sa presyo ng kanilang gasolina habang P2
kada litro sa presyo ng diesel ang tatlong higanteng oil companies.
Ang Shell at Petron ay unang nagpahayag na kanilang ipinatupad na
rollback na epekibo kaninang hatinggabi. Agad namang sumunod dito
ang Chevron, dating Caltex.
Kasunod ito ng bigtime rollback na ipinatupad noong Miyerkules ng
isang independent oil firm na Unioil.
Halagang P6 kada litro ang ibinawas ng Unioil sa presyo ng kanilang
gasolina habang P4 kada litro naman sa diesel.
Sinundan naman ito ng Eastern Petroleum na nagpatupad ng P1 kada
litrong rollback sa presyo ng kanilang diesel habang P3 naman kada
litro sa presyo ng gasolina na naging epektibo kahapon
ng tanghali.
Dulot na rin ito ng patuloy na pagbagsak ng presyo ng
krudo sa world market.
Bagama’t ikinatuwa ng maraming motorista ang tila pagkakaobliga
ng ‘Big 3’ na sumunod sa ‘bigtime’ rollback
ng Unioil at iba pang new oil players, hindi pa rin kuntento rito
ang Pasang Masda.
Ayon sa pangulo nitong si Obet Martin, kulang pa rin umano ng P4
sa presyo ng diesel ang ibinaba ng ‘Big 3’.
Sa tinatakbo umano ng mga naglalakihang tapyas-presyo ay tila mas
napapaboran pa ang mga pribadong sasakyan kaysa mass transport o
public utility vehicles (PUVs) dahil pating-tingi pa rin ang tollback
sa diesel na siya nilang gamit.
|