Dear Dra. Holmes:
Hi doktora, sobrang bother ako sa mister ko. 2 buwan palang kaming
kasal pero bihira na kaming mag sex. 28 years old palang po ako
at 32 naman sya. Madalas nya akong tanggihan, pero lagi ko syang
nahuhuling nag mamasturbate sa c.r. at halos araw-araw nanunuod
sya ng bold pero d kami nagtatalik. Normal b ito? Buti sana kung
d ko alam na mahilig sya sa mga kinky sex. Nahuli ko na rin po syang
nakikipag sop sa ibang babae.
Hanggang ngayon naghahanap parin po ako ng sagot
dahil d ko matanggap ang sitwasyon. Sana matulungan nyo ako. Salamat
po, Cecile.
Dear Cecile:
Hindi normal ang kilos ng asawa mo. Dalawang buwan lang kayong kasal
at bihira na kayong mag sex? At kahit ikaw ang nag-imbita ay tinatanggi
ka lang niya? Ang mga kilos na yan ay sapat nang basehan para mag
insist ka na mag-uusap na masinsinan. Sana rin ay “No holds
barred” ang inyong pag-uusap: walang taguan, sinasabi ang
lahat, kahit sino ang masaktan.
Kung hindi siya pumayag ng ganitong klaseng pag-uusap, o kung pumayag
siya pero hindi naman siya cooperative habang nag-uusap kayo, sana
ay i-mungkahi mo sa kaniya na pumunta kayo sa isang therapist na
makakatulong sa iyo.
Pero kung parang ayaw niyang gawin ito, sana, dearest Cecile, ay
iwanan mo siya. Ayon sa kaniyang kilos, may problemang sikolohikal
ang iyong asawa.
Hindi ko sinasabing iwanan mo siya dahil mayroon siyang problemang
sikolohikal. Okay lang yon. Marami sa atin ay may problemang sikolohikal.
Iwanan mo siya dahil:
1. Hindi niya inaamin na mayroon siyang problema;
2. Mas mahalaga sa kaniya ang kaniyang mga ginagawa kaysa sa iyo.
Pasensiya ka nalang, dearest Cecile. Alam ko nakaka-shock siguro
ang aking payo na iwanan siya kung hindi siya magpakatino, ipaliwanag
sa iyo ang kaniyang mga damdamin, at tulungan ang sarili niya.
Dalawang buwan lang kayong kasal. Mahirap siyang iwanan dahil akala
mo ito na ang lalakeng magiging kasama mo hanggang kayo ay tumanda.
Pero, Cecile, mabuting gawin mo na ngayon kaysa
tumagal kayong kasal at hindi rin niya gagawin ang kailangan para
maayos ang sarili niya. Kung mahirap maghiwalay ngayon, dahil 2
buwan na kayong kasal, mas lalong hihirap pa kung 2 taon, 2 dekada
kayong kasal, dahil hinihintay mong magbago siya. Hindi siya magbabago,
Cecile, hanggang matanggap niya na may sakit siya. Ang sakit na
ito ay tinatawag kong Paraphilia Related Excessive Pornography Watching
(PREPW). Ipapaliwanag ko ito sa Lunes, December 1, 2008.
Alam mo naman siguro na bihira kong sinasabing maghiwalay ang magasawa.
Pero dito, sa kaso mo, klarong-klaro, Cecile na ito ang dapat mong
gawin. TO BE CONTINUED
***
Si Dra. Holmes ay resource person sa Umagang
Kay Ganda (UKG) tuwing Martes sa ABS
CBN. Siya rin ay sumusulat sa Abante tuwing
Lunes, Miyerkules at Biyernes
Tonite at sa Abante Tonite tuwing
Martes at Huwebes. Sulatan siya
sa kaniyang website www.margaritaholmes.com Ikinalulungkot
niya na hindi niya kayo masagot nang personal.
|