RELUCTANT
actor ang tawag namin kay Dr. Hayden Kho dahil marunong siyang
umarte, pero wala sa showbiz ang kanyang focus.
Nakausap namin si Hayden nang makasabay namin sila ni Dra. Vicki
Belo sa aming flight sa Los Angeles noong Lunes.
Sinabi ni Hayden na nag-enjoy siya sa kanyang guesting noon
sa Bubble Gang, pero kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niya
na mag-concentrate sa drama. Naghihintay raw siya na magkaroon
ng regular show sa GMA 7.
Ipinaalaala namin kay Hayden na mahirap na mabigyan siya
ng regular show dahil madalas ang pagpunta niya sa ibang bansa.
May mga TV guesting na tinanggihan ang kanyang manager na si Lolit
Solis dahil palaging wala sa Pilipinas si Hayden.
Pumunta sa LA sina Hayden at Dra. Belo noong Lunes para panoorin
ang concert ng Coldplay sa Anaheim, California.
Two weeks silang wala sa Pilipinas dahil hihintayin at panonoorin
pa nila ang laban nina Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya sa Las
Vegas sa December 5, 2008.
Leading man material si Hayden, pero magiging ganap lamang ang kanyang
pagiging aktor kung seseryosohin niya ang pag-aartista.
***
Isinulat ni Ricky Lo sa kanyang column noong Lunes ang balita na
ikinasal sa Los Angeles si Raymond Bagatsing at ang entertainment
writer na si Cora Pastrana.
Hindi namin kilala ang babae na pinakasalan ni Raymond, pero may
nagsabi sa amin na malaki ang agwat ng kanilang mga edad.
Diumano, may ibang dahilan ang pagpapakasal ni Raymond sa LA based
lady writer. Susubukan namin na hanapin sina Raymond at Cora para
makapagkuwento sila tungkol sa kanilang love story.
***
Kuntento na si Princess Punzalan sa kanyang pamumuhay sa New York.
Nagtatrabaho si Princess bilang bank teller
sa umaga at nag-aaral siya sa gabi.
Happily-married na ang aktres sa kanyang American husband. Inalok
si Princess na lumabas sa isang stageplay na itatanghal sa California.
Gustong-gusto ni Princess na umarte sa
stage pero may conflict ito sa kanyang busy schedule.
***
Maliban sa P5,000 cellphone load na pwedeng mapanalunan araw-araw,
puwedeng manalo ang mga texter ng P5,000 cash prize sa pagsali sa
Kalog, Ka-load Plus! ng TV5.
Simula sa December 15, 2008, tatawagan ng isang TV5 host ang masuwerteng
subscriber ng Kalog, Ka-load Plus! para tanungin ng isang trivia
question. Kapag nasagot ng subscriber ang tanong, magwawagi siya
ng P5,000 cash prize.
Para makasali sa Kalog, Ka-load Plus!, mag-register lamang at i-text
ang “REG NAME/COMPLETE ADDRESS/BIRTHDATE/GENDER” (e.g.
REG Yoanna Garcia/10 Acacia St, Legazpi Village, Makati/Dec1’75/F)
at ipadala sa 3456.
Ibibigay sa Kalog, Kaload! winners ang instant load premyo
sa kanilang mobile phone via electronic load sa loob ng 24 hanggang
72 hours ng pagkapanalo. Makakatanggap naman ng tawag mula sa network
ang mga mapalad na magwawagi ng P5,000 halaga ng load at P5,000
cash.
Abangan ang dalawang (2) winning keywords na bubulaga sa inyong
mga TV screen bawat oras, araw-araw sa Kalog, Ka-load! At huwag
kalilimutan na mag-register sa Kalog, Ka-load Plus! para manalo
ng mas malalaking premyo.
***
Comments
are welcome at jojogabinete@yahoo.com.
|