P98M pinahahabol sa NBI:
‘STUDY NOW, PAY LATER’ SCANDAL!
Nagpapasaklolo na ang Commission on Higher Education (CHED) sa National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang mga estudyanteng nakinabang sa Study Now, Pay Later Plan (SNPLP) kung saan nawalan ang gobyerno ng P98,202,800.24 para sa calendar year 2011.
PRAKTIS LANG!
Nakiisa ang mga Neonatal Intensive Care Unit nurses ng Manila Doctors Hospital (MaDocs) sa isinagawang Fire and Earthquake Drill sa nasabing hospital kahapon. Makikita ang dalawang nurse na bitbit ang dalawang sanggol nang kumubli sa ilalim ng isang lamesa upang makaiwas sa mga debris sakaling magkaroon ng lindol. (Jonas Sulit)
Ginilitan muna sa leeg saka pinagsasaksak ang isang bakla na isa ring tauhan ng konsehala ng hindi pa nakikilalang nobyo ng biktima sa Valenzuela City kamakalawa.
Kulang tatlong linggo bago ang pang-apat na pakikipagtagpo kay Juan Manuel Marquez sa ring, sinabi ni Manny Pacquiao na maganda na ang itinatakbo ng kanyang training.
Nagbabahagi si Senator Bong Revilla, Jr. ng ilang porsyento sa kinikita niya bilang artista para sa kanyang foundation na out of school youth (OSY) ang beneficiary.
Kahit mahigit isang taon nang namayapa ang asawa ni Camille Prats na si Anthony Linsangan, malabo pa rin magkaroon ng panibagong mamahalin ang actress-TV host.
NAUJAN, Oriental Mindoro --- Bagaman walang naitalang kumpletong detalye hinggil kung paano at kailan nadiskubre ang bayang ito, sapat na ang mangilan-ngilang impormasyong nakalap mula sa mga panayam at pananaliksik upang mabatid ng mundo na ang bayang ito ay “natatangi”
LUZON
BALITANG VISMIN
Rambol sa ‘Pusong Bato’
8 nasabugan sa itinanim na granada
Isang rambol ang sumiklab sa loob ng isang bar matapos mag-agawan kung sino ang unang kakanta ng sikat na awiting “Pusong Bato” kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Naga, Camarines Sur.
ZAMBOANGA CITY --- Walong katao ang sugatan matapos masabugan ng itinanim na granada kahapon sa labas lamang ng isang financing company sa Cagayan de Oro City sa northern Mindanao.