GABAY NG DIYOS

Hilary kinokonsiderang secretary of state ni Obama
(AFP)

 

WASINGTON ---- Ikinokonsidera umano ni US president-elect Barack Obama na kunin si dating first lady Hillary Clinton, na minsang naging karibal nito para sa White House, bilang kanyang secretary of state, ayon sa ulat ng NBC News nitong Huwebes.


Dalawang hindi pinangalanang Obama advisers ang nagsabi sa network na si Clinton, kasalukuyang senator for New York, ‘is under consideration’ para sa posisyon.


Ayon sa NBC, si Clinton ay nagtungo sa Chicago --kung saan nakabase si Obama, nitong Huwebes, subalit sinabi ng isang adviser na ito’y personal business.


Si Clinton, 61, na may malawak na karanasan sa foreign policy mula sa kanyang panunungkulan sa Senado, sa paninilbihan nito sa Senate Armed Services Committee, at hindi direkta nang ang kanyang asawang si Bill Clinton ay naging presidente mula 1993 hanggang 2001.


Ilang malalaking pangalan pa ang binabanggit sa press bilang secretaries of state ni Obama, kabilang si dating Democratic presidential candidate John Kerry, New Me­xico governor at dating UN ambassador Bill Richardson, paborito sa makapangyarihang Latino community; at si moderate Republican Senator Richard Lugar.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section