www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Computer shop in-Akyat Bahay

(Juliet de Loza)

 

Natangayan ng may P100,000 halaga ng cash at alahas ang isang computer shop nang pasukin ng hinihinalang Akyat Bahay habang kasagsagan ng brownout kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.


Nagreklamo sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) Theft and Robbery Section (TRS) si Apple Tangunan, 27, ng Vitas St., Tondo.


Ayon kay PO2 Lester Evangelista, ng Manila Police District (MPD) - Theft and Robbery Section (TRS), posible umanong naganap ang insidente sa pagitan ng alas-2:00-5:00 ng madaling araw.


Sa salaysay ni Apple, maaga silang natulog ng kanyang asawa sa ikalawang palapag ng kanilang bahay makaraang mag-brown out sa kanilang lugar.


Paggising nila ng umaga ay doon lang nadiskubre na sira ang lock ng sliding door ng kanilang shop at wala na rin ang portable play station (P15,000); relo (P40,000) I-pod (P25,000) at kalibre 45 na pag-aari ng kanyang biyenan na si Ret. Insp. Ric Tangunan.


Patuloy nang nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section