Lumobo na sa 134 ang kabuuang bilang ng mga
mandaragat na Pinoy na kasalukuyang bihag ng mga pirata sa Somalia.
Pito pang Pinoy seamen ang panibagong nadagdag sa listahan ng mga
hostage ng mga Somali pirates matapos kumpirmahin kahapon ng Department
of Foreign Affairs (DFA) ang pagkaka-hijacked ng mga bandido sa
isa pang sasakyang pandagat nitong Martes, Nobyembre 18, ng taong
kasalukuyan.
Batay sa ulat mula sa embahada ng Pilipinas sa Nairobi, sinabi ni
Crescente Relacion, executive director ng Office of the Undersecretary
for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ng DFA, na kumpirmadong
pitong Filipino seamen ang kasama sa 25-man crew ng na-hijacked
na Hong Kong-flagged, Iran-operated na MV Delight sa Gulf of Aden.
|