Kadiri itong isang lalaking kongresista
mula sa Panay Island sa Visayas dahil sa paglalaro nito ng
kanyang mga daliri habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa
kontrobersyal na P728 fertilizer fund scam noong Martes.
Habang nasa kasagsagan ng matinding pagtatanong ang mga miyemnbro
ng house committee on agriculture kay dating Agriculture undersecretary
Jocelyn ‘Jocjoc’ Bolante, panay naman ang diin
ng kanyang magkahawak na kamay sa kanyang mga labi.
Akala mo’y nagdarasal itong lalaking kongresista, pero
ayon sa mga kaibigan nating mga surot sa media na nagko-cover
ng kaso, binabasa ng kanyang laway o ‘di kaya nama’y
dinidiin ang kanyang mga labi sa dalawang hinlalaki ng kanyang
dalawang mga kamay.
Kapag basa na ng laway ang hinlalaki nito, saka umano titigil
si Congressman at pagkatapos ay titingnan nito ang kanyang
mga daliri.
Pagkatapos ay pasikreto niya itong ipupunas
sa kanyang American suit.
Dahil nabubutas na ang kanyang upuan dahil sa hindi makapagtanong
kay Bolante, hindi tulad ng kanyang tatay na opisyal ng gobyerno
na madaldal, wala nang ginawa sa limang oras na pagdinig itong
si Congressman Kadiri kundi lawayan ang kanyang daliri.
Nauna nang napabalitang double identity itong si Congressman
kadiri na nakitang may kasamang lalaki sa Baguio.
Pintahan n’yo na: Si Congressman Kadiri ay anak ng isang
mataas ng opisyal ng gobyerno.
|