LIMA, Peru --- Kalbo at mas
matanda kaysa sa Incas, ang Peruvian hairless dog ay tila hindi
nababagay para sa White House.
Gayunpaman, tumugon lamang ang mga Peruvian sa kagustuhan ni President-elect
Barack Obama para sa isang hypoallergenic breed dahil sa allergies
ng kanyang anak na si Malia, at sinabing ang dark, rough-skinned
pooch na may malaking tainga at matulis ang nguso ang siyang solusyon.
Sa kanyang unang post-election news conference nitong Biyernes,
sinabi ni Obama na ang pagpili ng alagang aso para sa kanyang
dalawang anak na babae ay isang malaking isyu.
“It has to be hypoallergenic. On the other hand, our preference
would be to get a shelter dog, but a lot of shelter dogs are mutts
like me,” anang president-elect.
Bunsod nito, tumugon ang Friends of the Peruvian Hairless Dog Association
nitong Lunes, nagpadala ito ng sulat sa U.S. Embassy sa Peru na
inaalok ang Obama family ng 4-buwang gulang na tuta na tumutugon
sa “Machu Picchu”, ang pangalan ng tanyag na Inca
citadel ng Peru.
“My family also has suffered from...not being able to have
a pet because my son and I are asthmatic, so we thought it would
be ideal for him (Obama) to have a dog like ours,” ayon kay
association president Claudia Galvez.
|