www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Jobless OFWs nagkalat sa Vietnam
(Aries Cano)


Nagbabala kahapon ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na may planong makipagsapalaran ng trabaho sa Vietnam na mauuwi lamang sa wala.


Ito ay matapos ibun­yag ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maraming Pinoy ang kasalukuyang pa­gala-gala sa Vietnam matapos malinlang ng mga pekeng recruiters.


Sa ulat ng Philippine Embassy sa Hanoi, ang kabisera ng Vietnam, tambak ang bilang ng mga walang trabahong OFW ngayon doon matapos pa­nga­kuan ng bogus na traba­ho sa Ho Chi Minh City.


Ayon sa natanggap na ulat ng labor department, kani-kanyang punta ang mga Pinoy sa naturang siyudad sa paniwala na may naghihintay sa kanilang trabaho.


Nabatid na bukod sa mga dalang damit, walang pinanghahawakang balidong dokumento gaya ng job contracts, working visas at working permit ang mga ito.


Sa sumbong ng mga nalokong Pinoy sa embahada, hiningan sila ng kanilang recruiter ng P25,000 hanggang P30,000 para sa kanilang air fare, samantalang P7,500 hanggang P20,000 lamang ang ak­twal na air fare papuntang Vietnam.


Hinikayat ni Labor Secretary Marianito Roque ang mga naghahangad na magtrabaho sa ibang bansa na tiyaking rehistrado sa POEA at Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang kakagating trabaho.


Sa pagsusuri ng Abante sa datos ng POEA, ta­nging highly skilled jobs lamang ang bukas na trabaho sa Vietnam gaya ng construction, engineering, accountancy, banking and investment, education, garment/textile industry, hotel and restaurant ma­nagement, food and beve­rage industry, marketing, furniture industry, medicine, at foreign investment projects.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section