GABAY NG DIYOS

Friends nangawala sa Friendster
(Rey Marfil)


Araw ng Sabado, gaya ng nakaraang mga weekend, hangos na si Megie, 18, sa kalapit na internet café para silipin ang kanyang Friendster account ngunit bigo siyang maka-log in.


Ilang kasabayan din niya ang hindi makapasok sa tinaguriang pinakamalaking social network sa internet.


Sa pag-aakalang isa lang iyon sa mga araw ng ‘maintenance’ ng Friendster ay nagsiuwi na ang mga kabataang parokyano ng internet shop.


Kinabukasan, maaga ulit si Megie sa internet café. Ilang kakilala ang dinatnan niyang nagko-complain sa may-ari ng shop kung bakit hindi sila maka-log in sa Friendster.


Kinakabahang umupo sa harap ng computer si Megie at sinubukang pumasok sa kanyang Friendster account. Gayon na lang ang tuwa niya nang maka-log in siya.


Bumilang ng ilang minuto bago lumabas ang kabuuan ng ‘front page’ ng kanyang account. Matutuwa na sana ang teener nang mapansin niyang iisa na lamang ang mukhang nakaposte sa hanay ng kanyang mga ‘friends’.


Mula sa dating 318 friends ay isa na lang ang natira. Halos maiyak si Megie.


Sabi naman ni Rosemarie, 34, nabura na tala­ga ang lahat ng kanyang friends at tuwing sisilipin niya ang “who’s viewed me?” para malaman kung sino pa ang konektado sa kanya ay katagang “private” lamang ang luma­labas sa halip na mukha ng kanyang mga kaibigan.


Ganito rin halos ang eksena sa iba’t ibang internet café, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Ang dahilan: napasok ng virus ang sistema ng Friendster.


Nakasaad sa abisong text message na kuma­lat sa pamamagitan ng mobile phones: “Please be advised that Friendster has suffered a great da­mage on their site as a computer virus named h4xor-nytmare infiltrated their data base.


“Please do not log in your accounts or add friends for the time being for the team is currently recovering the losses that were inflicted. Please spread,” anang kabuuan ng text message.


Hindi naman masabi ng pamunuan ng naturang social network kung kailan maibabalik sa normal ang kanilang operasyon na labis na nakakaapekto sa milyun-milyong Pinoy sa bansa at sa abroad.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section