DAVAO CITY --- Binomba ng hindi
pa nakikilalang mga akusado ang tore ng National Transmission Corporation
(Transco) sa Barangay Panadtalan, Maramag, Bukidnon.
Ayon kay Maj. Randolph Cabangbang, tagapagsalita ng Eastern
Mindanao Command, binomba ng mga akusado ang tore bandang ala-una
ng madaling-araw noong Nobyembre 1.
Maliban sa nasirang bahagi ng tore ng kuryente, wala namang iba
pang nasaktan sa naganap na pambobomba.
Agad na rumesponde ang pulisya at militar matapos ang pagsabog.
Pangingikil ang tinitingnan ng awtoridad sa naganap na insidente.
Sa taong 2008, 10 tore ng electrisidad ang binomba sa iba’t
ibang parte ng Mindanao na nagresulta sa pagkawala ng kuryenye sa
ilang lugar.
Tinutugis na ngayon ng awtoridad ang mga utak sa naganap na pagpapasabog.
|