FRIDAY, NOVEMBER 16, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
OPINION
Bravo sa bike lanes!
 

Sa wakas! Natupad din ang matagal nang "kwentong kutsero" na paglalagay ng bicycle lanes. Sa ngayon ay sa lungsod ng Maynila pa lang pero sinisiguro ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na gagawan ng bike lanes ang bawat kalye ng Metro Manila.


Mahusay na mahusay ito! Kaila­ngan talaga ay ikampanya ng lahat ng ahensya ng pamahalaan – lalo ng mga local government units (LGUs) at mga barangay officials – sa kanilang nasasakupan ang paggamit ng bisikleta para sa malalapit na destinasyon.


Sa bisikleta, walang talo! Mabuti para sa kalusugan dahil magandang anyo ito ng ehersisyo (maliban kung ibinawal ng doktor dahil sa sakit). Magandang-maganda para sa kalikasan dahil wala itong usok na ibinubuga. Hindi rin ito perwisyo sa trapiko dahil hindi ito nakakasikip na tulad ng mga 4 o 3-gulong na sasakyan. Pero higit sa lahat, napakalaking tipid nito sa bulsa, hindi lang ng mismong nagbibisikleta kundi sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa dahil hindi ito dadagdag sa malaking konsumo sa langis. Idagdag ding mura ang maintenance ng bisikleta.


Ang pangunahing alalahanin lang dati ay ang peligro ng pamimisikleta sa kalye, lalo sa mga tinatawag na major thoroughfares na pinaghaharian ng mga mabibilis at humaharurot na sasakyang de-motor.


Lalo kung daanan ng mga bus at trak, pisak ang aabutin ng mga siklista sa isang maling pihit o off balance. Kaya nga ngayong nasisimulan na ang paglalagay ng bike lanes, tama lang na itodo na ang kampanya sa paggamit nito para sa malapitang destinasyon.


Wala nang peligro. Sapat ang proteksyon ng itinalagang lane para sa kanila.


Pero kailangan pa ring sabayan ng paalala sa mga motorista kung paano ang trato sa bike lanes, lalo na sa mga crossing at kurbada. Importante na ganap din ang kamalayan ng lahat ng motorista pagdating sa 'street ­sharing' manners dahil napakalaki na ng kaibhan ng bisikleta sa de-motor na behikulo. Maaaring kasing-porma ito ng motorsiklo pero hindi pa rin maa­aring tratuhin na tulad nito.


Kailangan ding tauhan ng mga MMDA personnel ang mga pangunahing lansangan na lalagyan ng bike lanes para siyang umalalay sa mga siklista, partikular sa mga tawiran o crossing na walang traffic light.
Panghuli, kailangan pa rin ang safety gadgets ng mga magbibisileta kahit pa meron na silang ligtas at sariling lane. Una, kung medyo may kalayuan ang tatakbuhin at 'busy street' o pangunahing lansangan ang dadaanan, kailangan pa rin ang head gear.

Kailangan ding mayroong ilaw o kaya ay reflector ang bisikleta at kung maaari ay neon color o matingkad at hindi madilim ang kulay ng damit ng magbibisikleta lalo sa gabi.


Para sa isang ligtas na pagbibisikleta, sundin ang traffic rules!




LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 41.2630
Bahrain Dinar 109.479
Canadian Dollar 41.1702
Euro 52.5575
Australian Dollar42.7351
HK Dollar 5.32354
Japan Yen 0.510356
Saudi Riyal 11.0033
S’pore Dollar 33.6911
Taiwan Dollar 1.41876
UAE Dirham 11.2304
UK Pound 65.3830
COLUMNIST OF THE DAY
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section