www.abante-tonite.com
 
 
 
 
DINGDONG, INSPIRASYON NI MARIAN?
JUN NARDO

 

Ang paghahanda sa kinabukasan ang nasa isip ngayon ni Marian Rivera. Heto nga at matapos niyang magpatayo ng 12-door apartments, ang paghahanap naman ng mabibiling condominium ang target ni Marian ngayon.


Sabi nga, bagama’t ilang taon pa lang si Marian sa showbiz, milyonarya na ito, dahil marunong siyang pahalagahan ang kanyang kinikita.


“Papunta pa lang doon (sa pagiging milyonarya)! Ha! Ha! Ha!” tumatawang sabi ni Marian.


“Hindi naman kasi ako gastador na tao! Kapag kailangan ko lang ang isang bagay, doon ko lang bibilhin.


“Kapag may excess na pera, bumibili ako ng gusto ko.


“Kung wala naman, hindi ko bibilhin. Priority ko ang mag-business talaga.


“‘Yung nagpagawa ako ng apartment, part ng negosyo na gusto ko `yon.

Tapos, ngayon, bibili ako ng condo. Naghahanap pa po ako!” sabi pa rin ni Marian.


Hindi ba niya nararamdaman ang lungkot na nararamdaman ng ibang sikat na artistang tulad niya? Sabi nga, malungkot sa itaas! Parang lonely at the top?


“Ha? Hindi, huh! Ano ba? Nariyan naman ang pamilya at career ko na nagbibigay inspirasyon sa akin!” sagot niya.


Eh, si Dingdong Dantes, maituturing ba niyang inspirasyon?


“Ano ba? Huwag na tayong gumawa ng isyu! Tama na! Ha! Ha! Ha!” pakiusap ni Marian.


Dahil malapit na ang Pasko, ano ba ang gusto niyang iregalo sa kanya ni Dingdong?


“Ano ba? Hindi ko pa iniisip ‘yon ngayon! Hindi naman ako materialistic na tao, kahit sino ang tanungin ninyo. Kung walang regalo, okey lang!” pahayag niya.


Bukod sa pagiging in demand niya this year, marami rin siyang intrigang kinasangkutan. Nasanay na ba siya na maya’t maya ay may intriga sa kanya?


“Ang point ko sa buhay, sa artista, hindi puwedeng walang kakabit na intriga. May gawin ka man o wala, maiintriga ka. Nasa sa‘yo na lang ‘yan kung paano mo ma-handle. Given na ‘yon. Natanggap ko na na lagi na lang may tsismis sa akin,” say ni Marian.


Para kay Marian, ang pinakamatinding intriga sa kanya ay nu’ng pagbintangan siyang may anak na sa pagkadalaga.


“Unang sabak ko pa lang sa showbiz ‘yon at hindi ako sanay. Iniyakan ko ‘yon! Ngayon, hindi na ako umiiyak!”


Masasabi nga ni Marian na sobra-sob­ra ang biyayang natanggap niya ngayong taong ito.


“Sobra! Sa lahat ng bagay!”


May kulang pa ba sa kanya?


“Ako kasi, hindi sa nakukuntento ako. Kung ano ‘yung binibigay na blessings sa akin ni Lord, ‘yun na lang muna. Tapos, iwu-work ko ‘yon.

Nasa sa akin na ‘yon kung magtatagumpay ako,” sabi niya.


Eh, siya ba ang klase ng taong mabubuhay nang walang pag-ibig?


“Depende! Ha! Ha! Ha!” pabitin niyang sagot.


Sa puntong ito, pinatawag na si Marian para sumalang sa shooting ng Despe­radas 2. At bukod kasi sa naturang pelikula, kasama rin siya sa pelikulang Shake, Rattle & Roll X, bilang kapalit ni Eugene Domingo.


Kapag wala siyang shooting sa da­lawang filmfest entry ng Regal Entertainment, ang commercial shoot naman ang umuukopa ng oras niya.


Aalis din siya next month para mag-show sa Shrine Auditorium sa Los Angeles with Dingdong, La Diva at Teri


Onor. Pero ngayong Tuesday (Nov. 18), dadalo siya sa premiere night ng One True Love movie nila ni Dingdong sa SM Megamall 10 na prodyus ng Regal Films at GMA Films.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section