Sabi
ko na nga ba, ang malalaking boobs na naman ni Iwa Moto ang naging
sentro ng paningin ng mga tao sa paligid niya.
Sa tuwing lumalabas nga si Iwa, o humaharap sa press, tulad na lang
sa presscon ng Luna Mystika, ang boobs niya ang pinag-iinitan sa
kanya.
Eh kasi naman, parang ang bigat-bigat talaga ng boobs ni Iwa. Na
kapag naglalakad siya, hindi talaga maiwasan na umalug-alog ito.
Eh, ang problema kay Iwa, wala siyang kahilig-hilig magsuot ng bra,
kaya lalo tuloy umaalog ang dibdib niya.
“Hindi talaga ako nagsusuot ng bra. Hindi ko nakasanayan!
“Nagba-bra lang ako kapag kailangan lang, at kapag nasa labas
ako, o maraming tao sa paligid.
“Pero, kung ordinaryong araw lang o sa taping, hindi ako nagsusuot
ng bra.
“Masakit kasi sa balat. Nasasaktan ang magkabilang gilid
ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro talagang hindi
lang ako sanay.
“Kapag natutulog ako, hindi ako nagsusuot ng bra. Panty
at t-shirt lang ang suot ko,” kuwento ni Iwa.
May nagsabi kay Iwa na kapag hindi siya nagsuot ng bra, siguradong
maagang malalaspag ang kanyang boobs, o tipong babagsak ito agad.
“Hindi naman! Siguro kung talagang masyadong nagagamit, talagang
malalaspag. Like ‘yung sa mommy ko, siyempre ilan kaming
pina-breastfeed niya, kaya nalaspag talaga!”
Hindi ba naaakit sa malalaki niyang dibdib ang boyfriend niya?
“Naku, excuse me, ha! Nagtitigan lang kami!
“Walang nangyayari sa amin. Ha! Ha! Ha! Ha!” tumatawang
reaksiyon ni Iwa.
“Well, alam ko naman `yon. Siyempre, dapat kong alagaan,”
dugtong niya.
Pero, kuwento ni Iwa, sa halip na lumaki raw nang husto ang boobs
niya ngayon, medyo lumiit daw ito ngayon.
“Lumiit talaga. Dati kasi, Cap-C ako, ngayon Cap-B na lang. Pumayat
kasi ako, eh,” say niya.
Baka naman nagpatapyas ka talaga ng boobs?
“Hindi, ah! Bakit ako magpapabawas, eh gusto ko na ‘yung
dating boobs ko!
“Nalulungkot nga ako, eh. Hindi ako sanay na ganito kaliit
ang boobs ko.
Sanay kasi ako na mabigat ‘yung dala-dala
ko.
“Grade 3 pa lang ako, meron na akong boobs. Hindi siya
normal para sa age ko that time. Wala akong magagawa, gifted ako
kaya nu’ng lumaki ako, lumaki rin siya.”
Iginiit ni Iwa na inaalagaan niya nang husto ang kanyang dibdib,
dahil ayaw niyang magkaroon ng breast cancer.
“Kapag masyadong nagagalaw ang boobs mo, baka magka-cancer
ka. Iba kasi ‘yung sa mga gawa ang boobs. Kapag
ginawa kasi, kailangang hawakan palagi para lumambot. Sa natural
na boobs, hindi puwedeng lamasin nang lamasin dahil malalaspag,
at baka magkaroon ka pa ng cancer.”
|