www.abante-tonite.com
 
 
 
 
George Clooney, hangang-hanga kay Brad Pitt!

 

Pang-Hollywood naman ang tsikahan natin ngayon, para maiba naman.

Ang dami na kasing natataranta kapag local stars ang isinusulat ko, at parang hilung-hilo silang lahat, lalo na at sinisita ko ang mga kapalpa­kan nila.


Anyway, sina Brad Pitt at George Clooney nga ang maituturing na pinaka-in demand na aktor sa Hollywood nga­yon.


Eh kasi naman, hitik sa talento, at sobra-sobra ang karisma nila, at makapigil-hininga talaga ang kanilang kagwapuhan. So, hindi na dapat magtaka pa kung marami silang pelikula na kumita talaga.


Eh, idagdag pa ang husay nilang umarte, kaya hindi na mabilang ang awards at recognition nila, `no!


Eh, ano pa ba ang mangyayari kung magsasama silang dalawa sa isang pelikula? Tulad nga ngayon na magkasama sila sa bagong comedy-thriller na Burn After Reading.


Bale pang-apat na movie na nila ito toge­ther. At tulad ng inaa­sahan, nag-number 1 sa takilya ito, nu’ng ipalabas sa North America kamakailan.


Ang Burn After Reading ay isang comedy-thriller mula sa award winning writers/directors na sina Joel Coen at Ethan Coen.


Pinagsama ng magkapatid na Coen ang co­medy, irony at sex sa peli­kulang ito upang makabuo ng isang kakaibang kuwentong.


Si George Clooney, na naging bida sa mga pelikulang may temang political ay talaga namang natuwa nang ialok sa kanya ang movie na ito.


“As soon as they called me up, I knew I’d do it. What could be better? After all, it’s the Coen Brothers. They make roles available to you that people don’t know you’re capable of doing as an actor. Then they told me they wrote the part for me, which worried me,” sabi ni George.


Matagal namang naghintay si Brad Pitt na mabigyan ng naiibang roles sa isang pelikuilang na gawa ng Coen Brothers.


“I didn’t think the guy would be a dumbbell, a gum-chewing, Gatorade-swilling, iPod-addicted bubble-brain. I said to Joel and Ethan, ‘He’s such an idiot…’ But, he does have a good heart…basically, I see the role as a career-bus­ter,” sabi naman ni Brad.


Kahit ilang beses na silang nagkasama sa pelikula, hindi pa rin maitago ni Clooney ang kanyang pagha­nga sa napakagaling na pag-arte ng kanyang kaibigang si Pitt.


Kasama rin sa pelikula sina JK Simmons at Eliz­beth Marvel.


***


Maihahambing naman sa porma nina Tom Cruise at Brad Pitt si James Marsden. At nga­yon, bida na naman siya sa isang comedy mo­vie na Sex Drive.


“It was fun to do something so opposite of what you are and what you’ve done before. My wife was reading the script and she kept laughing, and I asked, ‘What’s so funny?’ and she said, ‘It’s this road trip movie.’ She’s more highbrow than me, and she added, “I know, but it’s very funny. And so I read it, and thought “Oh, great -- this 34-year-old guy that still lives at home and beats up on his little brother, which people us­ually grow out of at 17, but he’s still doing it.’ It’s really cool to play this role,” sabi ni James.


Si James ay tubong Okla­homa at nagpunta sa Los Angeles para mag-artista. Nagmodelo muna siya para sa Versace bago naka­labas sa TV.

Kasal si James sa aktres na si Linda Linde at may dalawa silang anak.


Kasama rin sa Sex Drive sina Clark Duke at Seth Green.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section