"GABAY NG DIYOS"

At ang anghel ng Panginoon ay nagbalik na ikalawa, at kinalabit siya, at sinabi, Ikaw ay bumangon at kumain; sapagka’t ang paglalakbay ay totoong malayo sa ganang iyo.

1 KINGS 19:7

www.abante-tonite.com

MAGING PATAS KAY GRINGO!

Abante Reportorial Team

Si dating Senador at Army Col. Gregorio "Gringo" Honasan ay isinakay sa wheelchair papasok sa operating room ng Philippine National Police General Hospital, sa Camp Crame upang gamutin ang tinamo nitong ‘foot injury’ nang tangkain nitong takasan ang tumutugis na mga operatiba matapos itong magtago bunsod sa umano’y pagkakasangkot nito sa nabigong coup plot noong Pebrero. (AP Photo)

Matapos ang pagkakadakip ng pulisya kay dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan, na siyang itinuturo ring utak ng ilang bigong kudeta laban sa administrasyong Arroyo, sinabi naman ng ilang matataas na lider ng Simbahang Katoliko, oposis-yon at maging ng mga taga administrasyon na umaasa silang magiging patas ang batas sa kanya at magagawang palutangin ang katotohanan sa mga kasong 

ibinibintang dito.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, ngayong nasa kamay na ng pamahalaan si Honasan, umaasa at nananalangin aniya siyang mapalutang ang tunay na katotohanan sa mga isyung kinasasangkutan ng dating senador sa pamamaraang naaayon sa itinatakda ng batas.

Naniniwala rin si House majority leader Prospero Nograles na marapat lamang umanong ibigay kay Honasan ang ‘full due process’ at pantay na pagdinig sa kanyang kinakaharap na kaso at bilang military at dating senador ay dapat din umanong ipagkaloob ang nararapat na custodial respect dito. Ito rin ang paniniwala nina House minority leader Francis "Chiz" Escudero.

Matapos ang mahigit 3-taong pagtatago, hindi na umubra ang madulas na si Honasan nang makorner ng tumutugis na joint police at military intelligence operatives nang magkamaling dumalaw sa diumano’y karelasyon nito sa isang kilalang subdivision sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa joint Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines presscon kahapon sa Camp Crame, hindi na umano nagawang makaeskapo pa ni Honasan bagaman nagkaroon muna ng habulan kung saan nagtamo ito ng malaking sugat sa kaliwa at kanang paa nang lumundag nang magpalipat-lipat ng mga katabing bahay sa may Green Meadows Subdivision, Bgy. Ugong, Quezon City dakong alas-2:30, ayon kay CIDG-National Capital Region Chief, P/Sr. Supt. Asher Dolina.

Bago ito, bandang alas-sais kamakalawa ng gabi nang aniya’y maispatan ang presensya ng senador sa kanyang bahay sa may Industrial Valley, Cinco Hermanos, Marikina City kaya’t binakuran na agad ang lugar ng surveillance units ng CIDG, Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines at Police Anti-Crime Emergency Response, ang grupong nakatimbog din sa tropa ng Magdalo kamakailan sa safehouse ng mga ito sa Quezon City.

Nang lumabas na aniya sa naturang bahay ang Maroon Toyota Revo na sinasakyan ni Honasan ay binuntutan na ito ng mga awtoridad nang magpaikot-ikot sa Metro Manila hanggang sa tumuloy na nga sa bahay ng sinasabing karelasyon nitong tumutugon sa pangalang Ingrid Ramos sa may Green Meadows.

Hinintay na muna umano ng mga awtoridad na makatulog ang dating senador at nang matiyak na wala na itong kawala ay inilarga na ang pag-aresto rito kasunod ng pagbasa ng kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda rights.

Dinala sa PNP

General Hospital

Agad nang dinala si Honasan sa CIDG headquarters sa Camp Crame subalit bunsod ng tinamong sugat sa dalawang paa ay inirekomenda ng mga tuminging police doctors na maratay muna ito sa PNP General Hospital kung saan sumailalim ito sa minor surgery.

Si Honasan ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati City Regional Trial Court Branch 145 noong Pebrero 28, 2006 kaugnay ng kasong kudeta sanhi ng nabigong Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003. Hiwalay na kasong rebelyon pa ang kinakaharap nito sa korte bunsod naman ng pagkakadawit ng pangalan sa nakaraang destabilization attempt noong Pebrero 24, 2006.

Samantala, arestado rin sa police operation ang driver nitong si Jaime Balabad na posibleng masampahan ng kasong obstruction of justice (harboring of criminal) habang pinag-aaralan pa rin ani Police Chief Gen. Oscar Calderon ang maaaring maikaso kay Ramos na una ring napaulat na di

Balak naman umanong hatiin ng pulisya ang may P5M pabuya para sa ikadarakip ni Honasan sa mga tipsters na naging susi sa pagkakasakote sa dating senador.

Samantala, inilipat na si Honasan sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa mula sa PNP General Hospital dahil kailangan nitong isailalim sa CT scan dahil nahihirapan nitong igalaw ang kanyang leeg.

Coddlers isusunod

Bilang reaksyon, sinabi ng Malacañang na target nilang isunod ang pagdakip sa mga naging coddlers ni Honasan.

<BACK