GABAY NG DIYOS

Purefoods tinuhog muli ang Red Bull



Hindi pa rin nananalo ang Red Bull sa Purefoods ngayong 2008-09 KFC PBA Philippine Cup.


Gumamit ng 10-0 blitz sa huling dalawa at kalahating minuto ng laro ang Tender Juicy Giants bago tuluyang naipagpag ang makulit na Barakos, 80-72, sa unang laro sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.


Sa likod ng 28 points at four rebounds ni James Yap at tig-14 points pa nina Enrico Villanueva at Kerby Raymundo, umangat sa 5-4 ang kartada ng Giants. Nalaglag naman sa 3-6 ang Barakos.


Abante ang Giants sa 20-9 pagkatapos ng unang quarter, pero sa walong puntos ni Larry Rodriguez sa second ay nakabalik ang Barakos at nakapuwersa ng 31-31 deadlock sa halftime.


Sa third, nabuhay sa 10-for-14 shooting mula sa free throw line ang Red Bull kaya hindi pa rin tuluyang makalayo ang Purefoods na lamang lang sa 57-51 papasok ng fourth.


Sa kalagitnaan ng fourth ay nagpakawala ng 13-0 run ang Barakos sa pangunguna ni Gabby Espinas, tumapos ng personal conference-high 21 points, kaya naagaw ang manibela sa 68-66 may 4:14 pang nalalabi. Pero bumawi sa last two minutes ang Giants tungo sa tagumpay.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section