Kung ako ang pangulo...

 

“Ngayong inabsuwelto na ni JocJoc Bolante si Pangulong Gloria Arroyo sa fertilizer fund scam, siguro naman ay titigilan na ang pag-link sa kanya sa isyu...” Lorelie Fajardo, presidential spokesperson...


“Hayaan na natin sa Senado ang isyung ‘yan...” Press Sec. Jesus Dureza...


Ito ang magkahiwalay na reaksyon galing sa mga tao ng Malacañang sa naging pagsipot ni dating Agriculture Undersec. JocJoc Bolante sa Senate Blue Ribbon committee.


Nakatulong ba ito kay Pangulong Arroyo? Nakumbinsi ba nila ang mamamayang Pilipino na walang kinalaman si Pangulong Arroyo sa pag-release ng may P700M-P2 bilyong pondo para sa tulong pinansyal sa pataba ng mga magsasaka? Napaniwala ba ang marami na hindi ginamit ang pondo para sa 2004 elections?


Kung ako ang Pangulong Arroyo .... abot hanggang langit ang aking magiging galit kahit inabsuwelto pa ako ni Bolante. Hindi ako makakaramdam ni katiting na tuwa dahil ang naglinis sa pangalan ko ay may mababang kredibilidad.


Kung ako ang Pangulong Arroyo ... agad kong ipatatawag si Bolante at ako na mismo ang magpoposas sa kanya at magdadala sa kulungan. Di ko na kailangan ang naunang committee report ni dating Sen. Jun Magsaysay.

Sapat na ang naging imbestigasyon ng Commission on Audit (COA) para mabigyan ko ng katarungan ang maraming magsasakang Pilipino na napagkaitan ng pakinabang sa kanilang pananim.


Kung ako ang Pangulong Arroyo ... di ko na patatagalin pa ang araw na ito at agad kong tatawagan ang mga ‘kaalyado’ kong gobernador at kongresista na umano’y nakinabang sa naturang fertilizer fund scandal.

Aatasan ko silang isauli agad ang P3-5 milyon mula sa kaban ng bayan kung di mapapatunayang napunta ang naturang pondo sa kapakanan ng mga magsasaka.


Kung ako ang Pangulong Arroyo ... lalo akong magagalit sa mga kongresista na nasa lungsod na nabigyan ng pondo para sa pataba. Sa kabila ng kawalan ng lupang sakahan sa lungsod, bakit ko tinanggap ang pera kahit ito ay ibinibigay pa.


Kung ako ang Pangulong Arroyo ... kakastiguhin ko rin ang aking asawa na si First Gentleman Mike Arroyo, na inaming matalik na kaibigan ni Bolante at magkasama sa Rotary Club of Makati. Tatanungin ko siya kung may nalalaman siya sa maling paggamit ng fertilizer fund. Kung mayroon, hihilingin kong tulu­ngan ako na maipakulong ang lahat nang sangkot sa naturang modus operandi.


Kung ako ang Pangulong Arroyo ... hindi ko na papayagan pa ang panibagong public hearing ng Senado. Ako, bilang halal na mataas na opisyal ng bansa at nanumpang bibigyang proteksyon ang mamamayang Pilipino ang mangunguna sa krusada para maungkat ang katotohanan.


Ang problema ay hindi ako si Pangulong Arroyo at ang problema ay ang Pangulo mismo. Tila tali ang kanyang kamay na parusahan ang iilang personalidad na kilalang malapit sa kanilang mag-asawa.


Isa pang problema, bakit hindi kakitaan nga ng pagkagalit si Pangulong Arroyo kay Bolante sa naging maling pamamalakad sa napakalaking pondo na para sa mga magsasaka? Kung hindi nga niya alam ito, posibleng malapit sa kanya ang nakakaalam nito.


Nais kong makita na ang pagtataray at galit ni PGMA ay hindi lamang sa miyembro ng media, mga komentarista’t kolumnista o mga taga-oposisyon, kundi maging sa kanyang mga miyembro ng gabinete at gobyerno.


‘Yan ang pangulo! Pinuno ng tao! May political will!


Sensya na .... wala eh!


Eto na mga ‘igan, due to consistent public complaint, ang kopya ng aming Jengjeng... Courtesy of Rhea Santos and yours truly... Enjoy


MAKING SCAM OUT OF NOTHING AT ALL
(air supply)


Ano’ng BP ni JocJoc...


Bago sumalang sa Senado..


Ano’ng oras ang kainan..


Para di malipasan....


Ano’ng gamot ininom niya...


Pampaganda ba ng memorya...


O nagpapaalala...


Iabsuwelto si Gloria...


And I know na may kumita


Nang daang milyong halaga


I know na naibulsa..


Ginamit sa kampanya


And I know na nambobola...


Ginagawa tayong tanga...


And I know may nakinabang, nandoon sa
Malacañang, lahat nagmamaang-maangan..


And I know na naiipit ...


Tumatanggi, di mapilit...


I know na siya’y ginalit, sa US doon napiit,
I don’t know lang kung tinira sa puwit...


But I don’t know how to kill you...


Hell, i’ll never let you go!!!


And i don’t know how you do it....


MAKING SCAM, OUT OF NOTHING AT ALL (making scam)


OUT OF NOTHING AT ALL (making lies)


OUT OF NOTHING AT ALL (making scam)


Everytime i-mention ang pangalan na Bolante


Pataba ay laging nasa tabi...


Tatlong taong tumakas kaya ngayon siya ay nasa ‘spotlight’...


The beating in my heart...


Ang tibok parang drum...


Kaya nagrereklamo na si Mirriam ...


Kaya mong magsabi ng hindi totoo...


Kaya ang mata ititig ng diretso...


Tuloy ang pagkulit...


Coz everything you know, nabibitin mga Pilipino...


Lord, Kayo na po ang bahala.


Totus Tuus!!!

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section