GABAY NG DIYOS

Nagkulang kami -- CBCP
(Jun Tadios/Bernard Taguinod)


Hindi nagustuhan ng Simbahang Katoliko ang unang sabak ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn ‘JocJoc’ Bolante sa imbestigasyon ng Senado noong Huwebes para halukayin ang kontrobersiyal na P728-million ferti­lizer fund scam.


Kaya kahapon, nagpatawag ng special meeting si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Jaro Archbishop Angel Lagdameo para himukin na magmuni-muni ang mga miyembro at opisyales ng grupo sa mistulang ‘co­ver-up’ na ginawa ni Bolante sa pagdinig ng Senado.


Inamin ni Lagdameo na bigo ang Simbahan na gampanan ang kanilang tungkulin na lunasan ang baluktot na sistema sa lipunan.


“Humbly, we must admit that the whole Church of the Philippines that we have not been renewed enough. We have to make confession of acceptance of responsibility for some evils in our society. This acceptance is already the beginning of renewal,” ani Lagdameo.


Ayon sa pangulo ng CBCP, walang dapat sisihin sa nangyayaring takipan, kutsabahan at kaguluhan sa pulitika ngayon, kaya para sa kanila, mainam na aminin na lamang ang kanilang pagkatalo dahil hindi ganap na nagampanan ang kanilang tungkulin para sa lipunan.


Gayunpaman, igini­it nito na hindi nanga­ngahulugan ng pagsuko sa pagkatalo ang mensahe ng pagtanggap sa kamalian, kundi isang hudyat para lalong magsumigasig ang Simbahan para iangat ang lipunan sa suliranin.


Hinimok ng arsobispo ang tumbayan na mag-ambag ng kani-kanilang partisipasyon para manaig ang social transformation.


“The renewal of the Church means social transformation from li­turgy, catechesis, vocation or temporalities, social action and politics. There cannot be renewal of the Church unless it starts within each individual,” giit pa nito.


Ayaw munang sagutin ng CBCP kung ano ang kanilang opinyon sa mistulang paglinis ni Bolante sa pangalan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa eskandalo sa pondo ng pataba.


Ikinatuwa naman ni Parañaque Rep. Roilo Golez ang buong pa­kumbabang pag-amin ng CBCP sa kanilang pagkukulang. “That’s a very welcome productive, affirmative statement,” ani Golez.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section