SUNDAY, NOVEMBER 14, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
November 13, 2010

31-05-34-03-02-15
P11,114,827.20

6-DIGIT 6-9-0-0-5-2

11AM SUERTRES 1-5-1
4PM SUERTRES 2-6-8
9PM SUERTRES 2-4-6

EZ-2 11AM
05-13

EZ-2 4PM
20-17

EZ-2 9PM
03-09

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

03-31-34-13-48-11
P423,894,967.20

 
OPINION
Mang Lauro
 

Sa araw ng Martes ay magpupulong ang mga mahistrado ng Korte Suprema para talakayin ang dekada ng haba na kaso ng Vizconde Massacre.


Ayon kay Justice Midas Marquez, spokesman ng Supreme Court, sa loob ng taong ito ay magbaba na sila ng desisyon kung mananatili sa pagkakakulong ang grupo ng pangunahing akusado na si Hubert Webb o tuluyan na silang makakalaya.


Anuman ang magiging desisyon ng Supreme Court, tatanggapin itong maluwat ng naulilang si Lauro Vizconde.


“Naniniwala ako na sobra na silang (Hubert et al) nagdusa at sana ay matapos na nga itong kaso nang pare-pareho na tayong makapamuhay ng normal,” ayon kay Mang Lauro nang makausap ko sa Tonight with Arnold Clavio sa Q Channel 11.


May tampo pala si Mang Lauro kay dating Sen. Freddie Webb nang minsan sa isang forum ay ‘di nito inabot ang kanyang pakikipagkamay.


Inamin din ni Mang Lauro na minsan siyang umibig muli pero ‘di rin naging matagumpay sa huli.


“Ang pinakamahirap na bahagi ng buhay ko ay ang tanggapin na wala na ang aking mag-iina. At nawala sila sa oras na malayo ako sa kanila at sa paraang karumal-dumal,” ayon kay Mang Lauro, “pero ngayon tanggap ko na mas maluwag na ang loob ko.”

Para kay Mang Lauro, walang kaduda-duda sa kanyang isip na sina Hubert ang gumawa ng kawalanghiyaan sa kanyang mag-iina.


Ikinuwento ni Mang Lauro na isang linggo bago naganap ang massacre ay nagsumbong sa kanya si Carmela tungkol sa “isang anak ng pulitiko” na binigo niya sa pag-ibig.


“Walang ibang may motibo kundi siya (Hubert),” dugtong pa ni Mang Lauro.


Umaasa naman ang kampo nina Webb na susuriing maigi ng mga mahistrado ang mga impormasyon na magpapatunay na nasa Estados Unidos si Hubert nang maganap ang massacre.


Malaking pabor sa kanila ang pagkawala ng “semen sample” ng Parañaque RTC para mapawalang sala si Hubert.


Lord, Kayo na po ang bahala.

 

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 43.9000
Bahrain Dinar 116.446
Euro 60.0999
HK Dollar 5.66408
Japan Yen 0.531896
Saudi Riyal 11.7082
S’pore Dollar 33.8473
Taiwan Dollar 1.45148
UAE Dirham 11.9560
UK Pound 70.7339
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section