www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Senador umepal nang wala sa lugar


 

Sa paghahangad na maging ‘in’ sa showbiz industry, isang beteranong miyembro ng Upper House ang umepal sa mga showbiz personalities upang makapagpalapad ng papel.


Natuklasan ni Mang Teban na nakipag-usap daw sa ilang bastonero at film critic ang senador na ito hinggil sa kalidad ng mga pelikula sa bansa.


Bagama’t pormal ang pag-uusap dahil sa hindi naman gumagamit ng joklang lengguwahe ang mga kausap ng senador, halatang hirap naman itong maarok ang kalakaran sa showbiz industry.


Sa kapipilit ng senador para makapagpa-impress, aba’y nagkuwento ba naman ito na kung mayroon lang daw tayong magaling na pelikula, posibleng ito ang gawing pambato natin sa “Nobel Prize”.


Nabulagta tuloy ang mga kausap ng senador, as in kulang na lamang sabihin nila sa mambabatas na “Hello!” kailan pa sila binibigyan ng parangal na halaw sa pangalan ng imbentor ng dinamita.


Buti na lamang at may isang magandang film critic ang naglakas ng loob na sabihin sa senador na hindi Nobel Prize ang paligsahan sa magandang pelikula kundi Oscars o Academy Awards na ibinibigay kada taon ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences.


Animo’y ngayon lang ipinanganak ang mokong at tila hindi niya alam ito samantalang halos kasabayan lamang niya ito noong unang nagbigay ng awards ang Oscars noong Mayo 1929 sa Holywood.


Aba’y iniisip siguro ng matulis na senador na ito ang kaseksihan ni Angelina Jolie, at siya naman si Brad Pitt, dahil bukod sa Oscars ay puwede din silang mabigyan ng Nobel prize dahil sa humanitarian work.


Pintahan n’yo na. Ang senador na ito ay kilalang mahilig mamangka sa dalawang ilog kung kaya’t muntik nang malunod eheste mabuking noong 2004 elections. Makukuha mo ang palayaw nito kung paiiklin mo ang “electronic” at ang tunog ng doorbell.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section