FRIDAY, NOVEMBER 08, 2013   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

GABAY NG DIYOS

Custom Search
ENTERTAINMENT
Geneva, ligtas na ang pagbubuntis!
BF na si Lee Paulsen, guwapo at sexy!
 

Wala na ngang makakapigil pa para sumampa sa panibagong baytang sa kanyang buhay ang singer-performer na si Geneva Cruz.

Nakalagpas na sa critical stage ng kanyang pagdadalantao si Geneva.


Ipinost niya sa sarili niyang account sa Facebook ang kaligayahan niya dahil safe na ang kanyang baby.

Matatandaang may ilang linggo ring naratay sa kama si Geneva dahil na­ging maselan ang kanyang pagbubuntis.


Pero makalipas ang ilang linggong pamamahinga, naging maayos na ang kalagayan ng aktres at ngayon ay nakakagalaw na ito. Tuluy-tuloy na rin ang pagpapakasal nito sa kanyang fiancée na si Lee Paulsen.


Ipinasilip na ni Geneva ang pre-nuptial music video nila ng kanyang nasabing boyfriend.

Si Geneva mismo ang kumanta ng theme ng music video na may pamagat na Beautiful mula sa kanyang lumabas na album na may titulong To Manila.


Bagama’t duet ang kanta, hindi si Lee ang ka-duet ni Geneva kundi ang composer mismo ng song na si Junji Arias. Sa music video ipinapakita ang laki ng pagmamahalan sa isa’t isa nina Geneva at Lee.

Mapapanood din dito kung gaano sila kasaya sa kanilang relasyon.


Umani ng mga papuri si Geneva dahil sa beauty niya ngayon. Marami ang nagsasabing kinilig sila sa video at ang ilan naman ay naiinggit. 

Bukod kasi sa napaka-sexy ng boyfriend ng singer, napakaguwapo pa nito.


Ilan sa mga supporters ng pagpapakasal at pagbubuntis ni Geneva ay ang kanyang only son at binatang anak na si Heaven.


Kapansin-pansin lang na wala ni isa mang comment ang ex-boyfriend ni Geneva, ang dating band player na si Paco Arespacochaga na ama ni Heaven.

Pero sa pagkakaalam namin, maayos ang samahan nina Geneva at Paco kahit pa nu’ng ang boyfriend pa lang ng una ay si KC Montero.


Maaring iniiwas na lang ni Paco na sumawsaw sa lovelife ngayon ni Geneva para hindi na maintriga pa ang dalawa.


***

Marian, hindi magaspang ang ugali na tulad ng starlet! Starlet, magaling ding mag-deny!

Hindi lang bastos at maldita ang starlet na naisulat namin kamakailan, kundi magaling ding mag-deny.

Kung talagang wala siyang intensyong magdabog at mambastos sa pamamagitan ng pagsalya niya ng pinto sa dressing room ng Sunday All Stars last Sunday paglabas niya, dapat sana ay bumalik siya at nagpaliwanag sa media na nasa loob.


Hindi na dapat namin gustong patulan pa ang starlet dahil nangako ka­ming hindi na namin siya isusulat, pero nag-deny ito sa kanyang pambabastos sa amin at sa ibang media.


Kung si Marian Rivera na nabansagang maldita, hindi gumawa ng ganung kagaspangan ng ugali sa press gayung kung birahin ito sa mga panulat ay walang kawawaan. Sa halip na magtaray ay niyakap pa ni Marian ang mga ito at nagpakumbaba.


Ang mga ngiti ni Marian kapag nadidikdik ito sa interview ay natural. Kaliwaan ang mga negative issues sa pagiging maldita ni Marian pero marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. Kasi nga, hindi maramot ang Kapuso Primetime Queen.


Alam ng nagtatanggol sa starlet na may paraan ang mga artistang makiusap ng maayos sa media kung ayaw nilang matanong ng personal. Gaya ng nagtatanggol sa starlet, ang trabaho ng working press na gaya namin ay makuha ang malaman na statement ng isang artista lalo at may issue.


Kung pikon sa mga nagtatanong sa iyo, puwede kang makiusap sa isang malumanay na pamamaraan lalo at ang mga tanong ay hindi naman nang-iintriga.


Si Kim Chiu na allergic sa mga intriguing questions, may paraan ng kanyang pakiusap. Naglalambing ito sa press na huwag na lang itong pag-usapan sa kanya.


Huwag i-deny ng starlet ang pambabastos niya dahil pito o walo ang nakaranas ng pagdadabog at pagsalya niya sa pinto. May dalawa pang nakasaksi sa labas ng dressing room na nagulat din sa paglagabog ng pinto. At sila mismo ang nakasaksi na galit na galit ang starlet at panay ang sabi nito na “Nakakainis!” habang padabog pa ring lu­malakad.


Maiintindihan namin kung naiihi ang aktres sa pagdadabog niya, pero hindi. Nakita pa nga ng mga ito na dumiretso ito kay Max Collins at tila nagsumbong pa ito.


Magtanong kaya ang nagtatanggol sa starlet kay Cata Tibayan ng 24-oras sa GMA 7 at sa kanyang crew sa nangyari. Ganundin kay Malou at sa kanyang Startalk crew, pati na sa pep.ph correspondent na si Ruben Marasigan.


Handa kaming iparinig ang interview sa nagtatanggol sa starlet o sa kahit sino sa grupo nito para patunayang walang pagpupumilit na pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nito sa dating naka-live in na aktor sa ABS CBN 2.


Kung kami sa starlet aminin na niya ang kanyang pagkakamali at magpa­kumbaba na lang siya kesa depensahan niya ang sarili sa isang totoong nangyari. Baka makuha pa niya ang simpatiya ng maraming media na na­yayamot na sa kanya noh!

 




Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.2599
Bahrain Dinar 114.724
Canadian Dollar 41.5242
Euro 58.4982
Australian Dollar40.9938
HK Dollar 5.57718
Japan Yen 0.438214
Saudi Riyal 11.5260
S’pore Dollar 34.8043
Taiwan Dollar 1.46943
UAE Dirham 11.7677
UK Pound 69.5243
COLUMNIST OF THE DAY
HK -- sinong tinatakot n’yo?
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section