GABAY NG DIYOS

‘Shady deals’ sa absolute pardon kay Jalosjos?

(Dindo Matining/Rose Miranda)


Posible umanong nagkaroon na ng “shady deals” sa pagitan ni dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos at ng Malacañang para mabigyan ito ng absolute pardon at makatakbo sa susunod na eleksyon.


Ito ang paniniwala ni Gabriela partylist Rep. Liza Maza bilang bahagi na rin aniya ng paghahanda ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang pagtakbo bilang kongresista ng Pampanga sa susunod na halalan.


Aniya, isa umanong masugid na kaalyado ni Pangulong Arroyo ang pamilya Jalosjos kaya hindi malayong mabigyan siya ng absolute pardon para matuloy ang pagtakbo nito sa Kongreso sa 2010.


“Kung mananalo nga naman si Jalosjos sa 2010, karagdagan siya sa Arroyo bloc sa Kamara. Apparently, all these schemes are in preparation for Arroyo’s bid to run in 2010 elections,” ani Maza.


Kaugnay nito, pinasinungalingan ng Malacañang sa pamamagitan ni Press Secretary Cerge Remonde na pagkakalooban nila ng absolute pardon si Jalosjos.


“We vehemently deny that we are endorsing such application. Wala pa pong nakakarating na recommendation, at this stage wala pa sa level ng Office of the President,” ani Remonde.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section