Inaasahang tataas ang “demand” ng mga Filipino nurses sa United States dahil sa bagong programang US Patient Protection and Affordable Care Act o mas kilala sa tawag ng “Obamacare”.
“Obamacare might somewhat stimulate US hiring of foreign nurses,” pahayag ni LPGMA Rep. Arnel Ty, may-akda ng isang panukala na naglalayong magbuo ng “local jobs plan” para sa lumalaking bilang ng Filipino nurses na walang trabaho sa bansa.
|